1st CALABARZON Technology Transfer Day & Investment Forum Idinaos

image

Idinaos nitong nakaraang Octobre 7, 2016 ang kauna-unahang CALABARZON Technology Transfer Day & Investment Forum, ito ay ginanap sa Batangas State University , Main Campus 1, Batangas City. Ang nasabing pagdiriwang ay may temang: “Showcasing Pinoy Innovations in the CALABARZON Region.”

Inuna ni Batangas University President, Tirso A. Ronquillo ang pag welcome sa mga pangunahing tagapagsalita at mga bisita. Ang mga dumalo sa pagdiriwang ay kinabibilangan ng mga estudyante mula sa ibat-ibang paaralan sa Batangas, at mga exhibitor. May mga display sila ng iba’t-ibang uri ng produkto katulad ng halaman, prutas, abono, alak, kape, asukal, na mula sa CALABARZON. Mayroon din mga palaman na mula sa nipa at ibat-ibang uri ng street foods at marami pang iba. Ang iba ay natulungan ng set-up ng DOST at ang iba ay under process ang mga papel.

Nagbigay ng Inspirational Message sina Batangas, Governor Hermilando “Dado” I. Mandanas at Senator Paolo Benigno “Bam” A. Aquino IV. Sa Rationale of event ito naman ay ginampanan ni Lilia Ferrer, bilang kahalili ni DOST-TAPI, Director Edgar I. Garcia. At si DOST IV-A,  Regional Director Alexander R. Madrigal naman ang nagpakila at nagbigay ng introduction para sa keynote speaker na si DOST Secretary Fortunato T. de la Peña.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina: Chairman, AG & P, Joey Leviste Jr.; VP, Yazaki Torres, Rene Almeda; President, ECOP Batangas, Ting Caido; at maraming iba pa. Sa pagbubukas ng Exhibit/ Ribbon Cutting ito’y pinangunahan nina: Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Secretary Fortunato T. de la Peña, Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas, Director Alexander R. Madrigal, President Tirso A. Ronquillo, Mr. Ting Caido, Mr. Rene almeda at Mr. Joey Leviste Jr.

Sa mensahe ni DOST Secretary Fortnato de la Peña, kailangan daw madagdagan ang resources ng CALABARZON. Sa ngayon merong progressive na lugar, meron din namang hindi. Ang CALABARZON umano sa ngayon ang pumapangalawa sa NCR pagdating sa capita income.

Ayon naman kay Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, bilang committee ng Science  and Technology, 26% ng mga pamilyang Filipino ang may internet na, subalit sa buong Asian region umano, ang Filipinas ang may pinakamabagal na internet. Kung kaya naman, hindi umano siya titigil na isulong ang pagpapabilis ng Internet sa bansa. Kapag mabilis ang internet, mabilis din ang trabaho sa mga opisina, pribado at gobyerno. Ito ay makakatulong sa pag-aangat ng ekonomiya sa bansa.

Sinabi naman ni  Governor Hermilando “dodo” I. Mandanas, na ang Assets ng Batangas ay ang Human Resource at ito ay blessed pagdating naman sa natural resources.

Pagkatapos ng Ribbon Cutting, nagsagawa ng Parallel Sessions na kung saan  nagkaroon ng Technology Presentation: Sa unang session, ipinaliwanag ang tungkol sa Food Products & Processing. Sumunod dito ay ang Environmental Energy Conservation, Pangatlong tinalakay ang Agriculture  & Forest Products. Kasunod nito nagsagawa ng activity para sa mga investor, activity para sa mga studyante at ang huling activity ang demo run ng UHT/HTST.(Click picture below to enlarge)

imageimageimageimage

imageimage

imageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/1st-calabarzon-technology-transfer-day-investment-forum-idinaos/