2 Kolehiyo at Bilango Nagsanib-pwersa para sa ZamPen Native Chicken Livelihood

image

Sa idinaos na 2 araw na pagdiriwang nang ZamPen (Zamboanga Peninsula) Native Chicken FIESTA (Farm and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda) nitong nakaraang Nobyembre22-23, 2016, na kung saan ang naging tema ng nasabing okasyon ay “ Manok ZamPen, ” na ginanap sa KCC Mall de Zamboanga.

Naging bahagi ng nasabing okasyon ang Memorandum of Agreement (MOA)sa panig ng Western Mindanao State University (WMSU) at J.H. Cerilles State College-Dumingag Campus (JHCSC) kasama ang San Ramon Prison and Penal Farm para sa pagpapalaki ng ZamPen Native Chicken, produksiyon at pagpapakain nito. kasama sa proyekto ang starting a profitable and sustainable commercial ZamPen  native chicken breeding operation na pinondohan ng  Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development(PCAARRD)

Sa nasabing kasunduan, ang J.H. Cerilles State College-Dumingag Campus ang mangangalaga ng mga breeder at mangangasiwa sa pagpapatakbo at magsasa-ayos ng pasilidad at kalinisan ng lugar, na kailangan din nilang magsumite ng monthly monitoring report sa Western Mindanao State University (WMSU).

Ang WMSU naman ang magbibigay ng vaccines, gamot at feeds para sa native chicken. Sila na rin ang magtuturo sa mga tauhan ng Dumingag pagdating sa paglalagay ng presyo at pagbebenta nito. Samantalang ang San Ramon Prison and Penal Farm, ang mangangasiwa sa pangangalap ng de kalidad na breeder grower at stocks para sa mga Dumingag.

Una nang pinondohan ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), ang Proyekto para sa taong 2015-2016 ng Western Mindanao State University (WMSU) at San Ramon Prison Penal FARM (SRPPF).  ito ay mga ahensya na nagpapatupad sa  Sustainability and Profitability  of ZamPen(Zamboanga Peninsula) Native Chicken Production Evaluation bilang Source of Livelihood sa Rural Community sa Zamboanga. ito ay pinondohan ng nagkakahalagang  P667, 297.00.

Ayon sa tagapangasiwa nito na si Wilfredo Castillo, Project Staff ng BUCOR SRPPF,  sa ngayon ay napapakinabangan na ng mga magsasaka at ng mga idibidwal ang pag-aalaga ng ZamPen Native Chicken, partikular na nakikinabang dito ang mga bilango ng San Ramon Prison and Penal Colony na malapit ng lumaya.

Ayon pa kay Castillo, mataas na ang demand ng katayin manok sa kanilang lugar, kung kaya kinakapos na ang kanilang supply. Hindi na umano halos umaabot sa maturity age, tamang timbang at pangingitlog dahil sa agad na nabibili ang mga ito.

Sa kasalukuyan umano, ang mga natitirang ZamPen Native Chicken sa   Penal Farm ay  15 pcs na lang ang rooster, Breeder o Hen na dumadalaga pa ay 63 pcs,  at ang mga sisiw na may edad na anim na buwan pa lamang ay may bilang na 528. Na may kabuoang ay 600pcs na lamang lahat ang nasa Farm.

Nabanggit din ni Castillo na ang lawak ng kinalalagyan ngayon ng ZamPen Native Chicken sa San Ramon Prison and Penal Farm ay may lawak na 800 hangang 1,000 sq. m at may nakaabang pang 600 ektarya para sa expansiyon ng nasabing Farm. “ Originally ang San Ramon before ay nasa 2,000 hectare ang lawak, nai-award sa Philippine Coconut Authority (PCA) ang malaking bahagi ng lupa para gawing Research Center, ang ibang parte ng lupa napunta naman sa Western Mindanao State University (WMSU). Ang iba pang bahagi ay napunta naman sa Zamboanga Eco Zone at ang natira na 600 hectare ay para sa reservation ng SRPPF,” ayon pa kay Castillo.

   image_thumb46

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/2-kolehiyo-at-bilango-nagsanib-pwersa-para-sa-zampen-native-chicken-lic/