Upang maabot ang malaking bahagi ng publiko, ang Department of Science and Technology-Science and Technology Information Institute (DOST-STII) ay inilunsad kamakailan ang S&T Post e-Magazine-ang opisyal na news magazine ng DOST-na maaari nang madownload gamit ang mga IOS gadget sa pamamagitan ng Apple Newstand.

Maliban sa mga pinakahuling balita sa programa ng DOST, teknolohiya, serbisyo, at mga pag-aaral, ang S&T Post ay naglalaman din ng iba’t ibang impormasyon mula sa mga kilalang dalubhasa ng bansa, foreign news sa agham at teknolohiya, maging ang mga movie at book review.

Sa pamamagitan ng e-Magazine ay mas maraming ma-iengganyong kabataang magbasa at magkaroon ng interest sa agham at teknolohiya.

“This e-Magazine is a breakthrough for us,” wika ni DOST Asst. Secretary Raymund E. Liboro. “This is the first time we’ve done something like this – to put our articles in a new format such as an e-Magazine.”

Ayon kay Neil Everett B. Elpusan, business development manager ng Megamobile Inc., nagbago na ang panlasa ng mga tao sa mga babasahin. Ang Megamobile Inc. ay ang mobile content and applications developer ng S&T Post e-Magazine.

“In 2000, 2 million people accessed the Internet. To date, there are about 36.7 million online users in the Philippines,” pagpapatuloy ni Elpusan.

Ibinahagi rin ni Elpusan na sa kasalukuyan ay mayroong 30 milyong gumagamit ng Facebook, habang mayroong 100 milyong Filipino naman ang gumagamit ng mga mobile device gaya ng cellphone at tablet computer. Walumput-isang porsyento naman ay nasa edad na 30 pababa.

Sa mga gumagamit ng mga mobile device, 14 porsyento ang gumagamit nito habang sila ay nasa biyahe.

Nais ng pamunuan ng DOST-STII na hikayatin ang mga mag-aaral na magdownload ng S&T Post e-Magazine upang malaman ang pinakahuling mga pagbabago sa agham at teknolohiya sa bansa ngayon.

At sa darating pang taon ay marami pang mga pagbabago ang inaasahang mangyayari hindi lamang sa S&T Post, kung hindi pati na rin sa agham at teknolohiya ng bansa. (DOST-STII)