May kabuuang P29.8- Milyong Pisong halaga ang natapos ng proyektong pang-imprastraktura ng Department of Agrarian Reform o DAR ang pinakikinabangan na ngayon ng mga magsasaka at mga residente sa bayan ng Zaragosa sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa isinagawang turned-over ceremony, sinabi ni DAR-Central Luzon Regional Director Arnel Dizon na ang 2.6- kilometrong farm-to-market road ang nag-uugnay na ngayon sa mga barangay ng Santa Lucia Young at Santa Lucia Old hanggang sa sentro ng naturang bayan.

Sinabi pa ni Director Dizon na mas mura at mabilis na umano nilang naibabeyahe ngayon ang kanilang mga produkto patungo sa mga pamilihan kumpara nuong wala pa ang proyekto.

Kabilang rin sa proyekto ang isang potable water system na kung saan ginagamit na sa ngayon, at pinagkukunan ng malinis na inuming tubig nang mga residente roon.

Kalakip din sa proyekto ang isang day-care center kung saan 914 kabataang mag-aaral ang nakikinabang na rito.

Ang naturang mga proyekto ay mula sa Agrarian Reform Infrastructure Support Project Phase 3 ng DAR.(jnormt)