PINAGTIBAY ANG KAPASYAHANG GAMITIN ANG WIKANG PILIPINO KATUWANG ANG WIKANG KATUTUBO SA MGA PROGRAMA, PROYEKTO AT AKTIBIDAD NG MGA PAMAHALAANG MAY KAUGNAYAN SA PAGHARAP SA PAGBABAGONG KLIMA, AT MGA KAUGNAY NA USAPIN, ang kapasyahan Blg. 2014 – 01; Serya 2014 ng mga deligadong dumalo sa wika ng Seguridad ng kaligiran; Pambansanag seminar sa Hotel Venezia, Lungsod Legazpi Albay.

Isa ito sa mga paksang tinalakay sa Kapihang Wika sa paguulat ni Purificacion S. Delima, Full-Time na komisyones na ginanap noong Oktubre 30, 2014 sa lobby ng Pambansang Komisyon para sa kultura at mga Sining (NCCA) sa Intramuros, Maynila.

Sa pagtitibay ng kapasiyahan, kinilala ng mga delegado ang itinadhana ng Philippine Disaster Risks Reduction and Management Act of 2010 Batas pambansa Blg. 43, Serye 9729; at Atas tagapagpaganap Blg. 43 Serye 2011 na paghanay at kahandaan sa pagbabagong klima para sa pambansang kaligiran ang itnatadhana ng Batas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) (Batas Republika Blg. 7104 atas tagapagpaganap Blg. 335 na gamitin ang wikang Filipino at mga Katutubong wika sa mga transaksyon, Korespondensiya para sa mas epektibong pamamahala ng mga ahensya at institusyon.

Ang kapasyahan ay nilagdaan ng mga delegado mula iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kabilang na ang kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), Pangasiwaan ng Pilipinas sa serbisyong Atmosperik, Heopisiko at astronomiko (PAGASA), komisyon sa pagbabagong klima (CCC), ahensiyang pang-impormasyon ng Pilipinas (PIA), at Tanggapan ng Tanggulang Sibil (OCD), kagawaran ng Pagsasaka (DA), Kagawarang ng Agham at Teknolohiya (DOST), Pambansang Sanggunian sa Pamamahala ng Pagbawas ng Panganib at Kalamidad (NDRRMC), at Pampanguluhang Komisyon para sa Maralitang Tagalungsod (PCUP). Ang mga ahensiya ay lumagda na gagamitin ang wikang filipino katuwang ang mga katutubong wika sa Filipinas sa mga opisyal nitong komunikasyon at pagpapalaganap ng mga impormasyon hinggil sa paghahanda, pag-iwas, at pagpapabawas sa mga panganib, sakuna, at disaster.

Nagpasalamat si Kgg. Joey S, Salcedo, Gobernador ng lalawigang ito sa pagkilala sa local ng pamahalaan upang makaiwas sa panganib at kalamidad na dala ng pagbabagong klima, ang pambansang seminar ay itinaguyod ng KWF, Climate Change Academy of the Philippines at tanggapan ng Gobernador ng Albay.

Kasamang nagulat tungkol sa Pagsusuri ng Direktor Mineral at Kgg. Virgilio S. Almario, Tagapangulo ng Pambansang alagad sining na nagulat tungkol sa Gawain at tungkulin ng KWF sa hinaharap.

Ang pambansang seminar ay itinaguyod ng KWF, Climate Change Academy of the Philippines at tanggapan ng Gobernador ng Albay. (PsciJourn MegaManila)