1Baliwag Bulacan – Mayroong gimik ang Sound Quality Car / Trikes Car Audio Tea sa mga Trike sa Bulacan. Nagseset-up sila ng mga Tricycle, kung saan nilalagyan ito ng mga quality speaker na may iba’t- ibang porma. Tinitiyak nila na makapag-paindak ito sa mga makarinig sa daanan.
Ayon kay Mr Joel Y. Fajardo na siyang nangunguna nito, nagsimula ang ganitong gimik noong 1985 na kung saan ang unang gamit noon ay hindi pa Motor kundi isang bisekleta lamang na may sidecar, binabago nila ito at ginawang Motor na may sidecar na naka set-up.

Sinabi pa ni Fajardo, na sa  tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre, nagsasama-sama ang mga nagmamay-ari nang ganitong bihikulo upang irampa ang ibat ibang uri at disenyo ng kanilang tricycle.

Nakakagulat din ang halaga ng tricycle na may set up, maaaring umaabot  ito sa halagang P500,000 sa bawat set-up ng Sound Quality Car / Trikes Car Audio, dahil sa dami ng aparato na inilagay dito.

Subalit kadalasan, ang pagpapalagay at pagpapadisenyo sa ganitong uri ng sasakyan ay nagsisimula sa P50,000 pataas, depende na rin sa budget ng bawat Kliyente, ayon pa dito.

Para sa nais na magpaset-up ng kanilang mga tricycle, mas maaga mas maganda, dahil may katagalan umano ang pag aayos ng ganitong kagamitan,  na halos tumatagal ng tatlo hanggang pitong araw depende pa sa budget at gusto ng kliyente. May katagalan man at kamahalan ang pagpapagawa nito, ngunit sulit naman daw ito dahil sa ganda ng tunog.

Ang kanilang mga materyales ay gawa ng JBL Company. Ang JBL Company ay gawang amerika na pag aari ng Harman International. Pangunahing Produkto nila ay mga Loudspeakers. Dahil sa imported ang kanilang mga gamit sa pag seset-up, makakatiyak tayo na ito ay may mataas na kalidad, ayon pa kay Fajardo.

Puwedeng gawing hobby ang pagpapa set-up o pagpapaporma ng tricycle, ngunit pwede din naman itong gawing negosyo. Kapag may mga events sa inyong lugar, siguradong kailangan nila ng mga speaker para sa tugtugan at kasiyahan, magagamit din ang Trike Car Audio na ito kahit sa malaking espasyo ng salo-salo, diin pa ni Fajardo.

Bukod sa Tricycle na sineset-up nila, Pinaplano na rin ng grupo na mag set up naman ng Kotse, mga sasakyan na magbibigay ng kulay sa mga lansangan.

Sa mga may Trike o Trycycle na gustong papormahin, at nais na magkaroon ng sariling negosyo ? Kontakin lamang ang JBL Company sa (09326465294).(Ms Horizon Chaser/Jepree Magtibay) (Click images below to enlarge)