10954548_753783868039857_9048791280811808849_n10882241_753585368059707_7702353038401385196_n64759_753585028059741_934537275523287322_n1926885_753585151393062_698550673364517877_n10514596_753585921392985_4646742194437256458_n10933868_753585468059697_1609800921434363671_n

SA ginanap na KAPIHANG WIKA ng Kumisyon ng Wikang Filipino (KWF) kamakailan, na isinagawa sa Main Library, Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman, Lungsod Quezon, na kung saan ipinaliwanag ng kumisyon ang wasto at maling paggamit ng ibang MEDIA sa Wikang Filipino.

Ang pag uulat sa linguistic Atlas ni Gng. Purificacion G. Delima, PhD, Full-time komisyoner para sa mga Programa at Proyekto.

Ipinaliwanag naman ni Ginoong John Enrico Torralba, OIC, Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) ang tunkulin at gawain ng KWF sa hinaharap.

Pinaghahandaan at ipagdiriwang ng KWF ang ika-227 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Ang tema ng pagdiriwng ay “ Si Balagtas at ang Kabataan”.

ka-agapay ang National Cmmission for Culture and the Arts, Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, Bayan ng Orion, Bataan, at ibang ahensiya ng gobyerno.

Tampok sa nasabing okasyon ay ang pagdaraos ng Kampo Balagtas at ang pabubukas ng Harden ni Balagtas sa Orion Bataan. Ang Kampo Balagtas ay isang Youth Camp na gaganapin sa Orion Elementary School, mula 30-31 ng Marso 2015. Ito’y dadaluhan ng mga kabataan mula sa Region 3 at mga kabataang katutubo galing sa Luzon Visayas at Mindanao.

Layunin ng Youth Camp na maitanghal at maipakilala ng lubusan ang kadakilaan ni Balagtas sa mga kabataan. Ang Hardin ni Balagtas ay isang cultural park na bubuksan sa Marso 30, 2015. Dito ilalagak ang rebulto ni Balagtas at ng mga tauhan mula sa kanyang mga akda na napapaligiran ng katutubong bulaklak at punong kahoy.

Huling namalagi si Balagtas sa Orion Bataan, nagkapamilya habang patuloy ang pagsusulat, hanggang sa siya ay bawian ng buhay noong Pebrero 20, 1862.

Inaasahang namang dadalo si Sen. Paolo Benigno “BAM” Aguirre Aquino IV sa nasabing okasyon.(Photo by: Jimmy Camba)