Pormal ng ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform o DAR ang 20.65- ektaryang sakahan sa mga magsasakang benepisyaryo sa Tanjay City sa lalawigan ng Negros Oriental.

Ayon kay Municipal Agrarian Reform Program Officer o MARPO Felipe Gaviola, personal na tinanggap ang Certificates of Land Ownership Award o CLOAs ng 16 magsasakang benepisyaryo na nagpahayag naman ng kagalakan dahil natupad na ang kanilang inaasam-asam na lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP ng Pamahalaan.

Ayon pa kay MARPO Gaviola, ang naturang lupain ay dating pagmamay-ari ni Ginang Josefa Villegas na isinailalim sa voluntary offer to sell scheme ng CARP.

Sinabi pa ni MARPO Gaviola na ang naipamahaging CLOA sa naturang mga magsasaka ay unang hakbang pa lamang umano. Dahil ang kasunod umano nito ay mga karagdagang suportang serbisyo mula sa Pamahalaan para sa mga magsasaka doon. (jnormt)