11024800_769120376506206_1405158977042454481_n

Nilagdaan ni Pangulong Benigno Semion C. Aquino III nitong nakaraang buwan ng Pebrero 10, 2015 ang Proklamasyon Blg. 968 na nagdedeklara na ang buwan ng Abril bawat taon ay maging Pambansang buwan ng Panitikan. Pangungunahan ng Kumisyon sa wikang Filipino (KWF) at Pambansang Komisyon para sa kultura at mga sining (NCCA) ang paghahanda, pakikipag-ugnayan at ang pagpapatupad ng mga Gawain para sa pagdiriwang ng Pambansang buwan ng panitikan.

Ipinagdiriwang tuwing Abril ang araw ni Francisco “Balagtas” Baltazar at inaalala rin ang mga haligi ng panitikan na sina Emilio Jacinto, Paciano Rizal, at Nick Juaquin. Kinikilala rin sina Edith Tempo at Bienvenido Lumbrera dahil sa kanilang makabuluhang nai-ambag sa panitikang Filipino.

Idaraos din ang ibat-ibang taunang pandaigdigang pagdiriwang ng panitikan kabilang ang Pambansang Araw ng mga Bata, Araw ng mga aklat at pandaigdigang araw ng karapatang-ari.

Mahalaga ang ginagampanang papel ng panitikan sa preserbasyon at pagpapayaman ng kultura upang mas makilala ng bagong henerasyon ang kulturang Filipino.

Hinihikayat ng KWF ang ahensiya, kagawaran, korporasyon na pag-aari ng Gobyerno, maging ang mga prebadong sector na makiisa sa nasabing pagdiriwang.

Kaugnay nito, tinatawagan ang mga kabataan na makilahok sa araw ni Balagtas ngayong 2015, para sa pagdiriwang ng ika-227 anibersaryo ng kapanganakan ng makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar sa ika 2 ng Abril taong kasalukuyan.

Pangungunahan ng KWF ang ang gaganaping aktibidades sa mismong lugar na kung saan malapit sa puso ni Balagtas , ang lugar ng Orion na dating tinatawag na Udyong. Bataan. Ang okasyon ay may temang “Balagtas at Kabataan.”

Magkakaroon ng kampo Balagtas sa Orion Elementary School, para sa mga kabataan na mangagaling pa sa REGION III at deligasyon mula sa Indigenous People (IP). Isasagawa dito ang pagtatanghal sa kultura na may kabuluhan, na nagpapakilala sa  buhay at pamana ni Balagtas.

Pasisinayaan naman ang Hardin ni Balagtas sa Barangay Wawa, Orion, Bataan. Tampok dito ang Rebulto ni Balagtas na likha ng bantog na eskultor na si Julie Lluch, Ang nasabing hardin ay isang Cutural Park na napapaligiran ng ng mga katutubong  bulakalak at punongkahoy na itinayo sa tulong ng Pambansang Kumisyon, para sa kultura at mga sining , Bayan ng Orion, Lalawigan ng Bataan, at iba ahensiya ng pamahalaan. 

11025792_769120116506232_1087017312957446097_n11001736_769120226506221_4706516689042401938_n11034202_769120279839549_5854779992377108997_n10411063_769120286506215_5137279961308824119_n18495_769121799839397_792725122783119879_n