11024695_10152742295367321_7690624493398834630_n

NAGING matagumpay ang isinagawang pagdiriwang ng ika-22 taong anibersaryo ng Philippine Carabao Center, nitong nakaraang Marso 25–27, 2015, na ginanap sa PCC National Headquarters and Gene Pool, Central Luzon State University (CLSU) Barangay Maligaya, Muñoz, Nueva Ecija, sa pakikipagtulungan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD).

Sa unang araw ng pagdiriwang, pinangunahan ni PCC Acting executive Director Dr. Arnel N. Del Barrio ang pag welcome sa mga panauhin. Sinundan ito ng mensahe at pagdedeklara ng kapistahan at Events Activities ni Marita A. Carlos, OIC Applied Communication Division, PCAARRD.

Sa unang session: isinagawa ang Cooking Contest, na kung saan ang mga kalahok ay mga taga cooperatiba na miyembro ng PCC. Ang mananalo sa nasabing kumpetisyon ay tatanggap ng P1,500, 3,000, at 5,000 para sa pagatlo, pangalawa, at unang gantimpala. Sa pangalawang session, Ang Photo Contest and Exhibition Program, at ang pagatlo at huling  session idinaos ang Essay Writing Contest Program.

Sa pangalawang araw ng pagdiriwang, isinagawa ang Technology Field Day “ Techno Mart for Silage Production Project”. Dito ipinaliwanag at tinalakay ni Dr. Eric P. Palacpac, Project Leader/ PCC- RDCU Coordinator ang tungkol sa Techno Mart Project. Kasunod naman nito ang Orientation of the pakage  of Technology/S&T Intervention Introduced in Techno Mart na idinemo kung papano ang pag chop ng silage gamit ang 2 chopper machine. Ang isa ay mula pa sa bansang hapon at ang isa naman ay locally fabricated. Mayroon  pang isang chopper machine na Tractor operated na mula naman sa Negros. Ayon kay Dr. Daniel L. Aquino, Technical Expert /PCC–ANU Head & Gene Pool Coordinator, nakakapag chop ang Tractor-operated machine chopper ng Silage mula 5-16 tons sa bawat oras.

Ang Silage ay pagkain ng mga hayop, partikular ng kalabaw at baka na napaka sustansiya. Ito ay mula sa tanim na mais na pinuputol sa edad na 75-80 araw. May bunga ito na halos pwede ng kainin. Ayon kay Dr. Aquino, ang mga dahon at katawan ng puno ng mais ang nagsisilbing kanin at ang bunga nito ay ang ulam, kung kaya hindi pwedeng ihiwalay ang bunga. Hindi lamang puno ng mais ang pwedeng gawing Silage (burong damo), maging ang  Napier, Paragrass, Sorghum, dayami, tubo, at marami pang iba.

Sa Pangatlo at huling araw ng pagdiriwang ay ginanap ang Media Forum, na kung saan ito ay dinaluhan ng Vice Mayor, mga Konsehal at ibang matataas na opisyal ng  Science City Of Muñoz. Dumalo rin halos ang buong sangay na kawani ng PCC, mga Cooperatiba at mga magsasaka.

Kasabay nito ay ang Inauguration of Livestock Innovations and Biotechnology Complex. Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Dr. William D. Dar, Presidente, Inang Lupa Movement, DA Former Secretary, Former Director General, ICRISAT. Pinasinayaan din ang PCC Corporate AVP, ang Buffalo Raisers Association of the Philippines,  ang 2.0 Million Liters of Buffaloes Milk for 2016, at ang paglulungsad ng Farmers AVP.

Ginawaran ni Dr. Arnel N. Del Barrio ng  Plaque of Appreciation si Dr. William Dar. Ganon din ginawaran ng Plaque of Recognition ang mga magsasaka bilang Outstanding Dairy Cooperative, Best Dairy Buffalo Farmer(Family Module Category), Best Dairy Buffalo Farmer ( Smallhood Category), Best Dairy Bufallo Farmer (Semi-Commercial Category), Best Dairy Buffalo Cow and Outstanding Village-based A.I. Technician (VBAIT) at ang IMS ATTESTATION-TUV-SUD Representative.

Samantala, masaya at isa-isang nai-live interview ng grupo ng mamamahayag sa kani-kanilang Radio Station sa unang araw ng pistang kalabaw si OIC Marita A. Carlos, Applied Communication Division, PCAARRD. Mula sa inyong lingkod  Raffy Rico, Chief Reporter sa Programang Lingkod Bayan sa DWAD, Melly Tenorio Broadcaster, DZRB Radio ng Bayan, Theresa Alpa Broadcaster, AFP Radio at MJ Balaguer Co Anchor DZRJ.