IMG_0091

Tradisyon: Kinaugalian na ng iba nating kababayang Pilipino ang mag Penitensiya  sa tuwing sasapit ang mahal na araw, partikular sa mga lugar na dinarayo ng mga turista at iba nating kababayang deboto.

Sa pamamagitan ng pagpasan ng Krus, paghagupit sa kanilang likod habang naglalakad at nakabilad sa init ng araw, ang iba naman ay nagpapapako pa sa krus, marami ang mga pansarili nilang dahilan kung bakit nila ito ginagawa.

Ang mga dahilan ng kanilang panata ay ang kahilingan na mapagaling ang mga mahal nila sa  buhay na may sakit, kagalingan sa mga kapansanan na matagal ng nilang iniinda, ang maka-ahon sa kanilang kahirapan, marami pang ibat-ibang kahilingan.  Ang iba naman ay nagpapasalamat at idinadaan nila sa pagpepenitensiya. Ang ilan pa dito ay mga dayuhan buhat pa sa ibang bansa.

Ito ang ilan sa mga kuhang larawan sa Barangay San Nicolas Arayat, Pampanga na kung saan ang lugar na ito ay dinarayo sa tuwing sasapit ang Semana Santa.(Photo By: Robert Gines)

IMG_0139IMG_0036IMG_0059IMG_0128