20150412_111515

Sa ginanap na Graduation Ceremony sa National Brackishwater Fisheries Technology Center (NBFIC) sa Sitio Iringan Palsabangan, Quezon, nitong nakaraang April 12, 2015, limangpu’t isa (51) mula sa “MALAKAS” Class, ang nagtapos bilang Fishery Law Enforcers sa BFAR Pagbilao Quezon.

Ito’y sa  pagnanais ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na paigtingin pa ang pagbabantay at pag huli sa mga illegal, unreported at unregulated na pangingisda sa bansa.

Sa unang batch ng mga nagtapos noong January 13, 2015 umabot sa 62 mula sa “MATINDI” class ang tumangap ng diploma.

Ayon kay BFAR Dir./USec Atty Asis G. Prez, kagaya pa rin ng nauna nang programa at modules ang kanilang sinusunod, na kung saan ang training ay maroon pa ring 2 bahagi.

Sa unang 30-araw, ang mga participante ay tinuruan hingil sa disipline, conduct at moral values, basic tactical training, physical training; at ang 60-araw na training ay ginugol sa BFAR operation and protocols, Fishery laws and aquatic protection, shipboard operations and practicum, advance tactical training, water search and rescue, field training exercises and physical development program.

Bahagi pa rin ng BFAR’s law enforcement capacity- strengthening ay ang pagtanggap nila ng 40-footer Monitoring, Control and Surveillance (MCS) vessels (27 units), 30-footer multi-mission vessels (70 units) at 50-meter vessel (2 units) na may mga gamit ukol sa special operations tulad ng service firearms, GPS, night vision goggles, scuba gears and, rigid-hulled inflatable rubber boats.

Sinabi pa ni Dir. Perez na kailangang umabot na sa 700 ang mga BFAR Law Enforcer para maipakalat na sa mga pangunahing palaisdaang lugar sa bansa.