Nasa larawan sina (L -R) Engr. Maximo Peralta, OIC, Hydrometeorology Division, Dr. Vicente B. Malano, Acting Adminidtrator, PAGASA, at Dr. Esperanza Cayanan, Chief, Weather Divison, sa idinaos na press conference nitong nakaraang May 20, 2015, na ginanap sa WMO Regional Training Center ng PAGASA bldg.
Ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay naglunsad kamakailan ng Modified Public Storm Warning System (PSWS).
Dahil sa mga Super Typhoon nitong nakaraang sampung taon, na humigit sa 220 kph, at base na rin saTyphoon Damage Scale, na ayon sa pananaliksik ng dating PAGASA director Leoncio Adore, ang PAGASA ay pormal na inadopt ang ganitong sistema.
Ayon kay PAGASA Acting Director Dr. Vicente Malano, ang mga tropical cyclone categories ay ang mga sumusunod: Tropical Depression (TD) na may 30-60 kph ang lakas ng hangin; Tropical Storm (TS) na may 61-120 kph ang lakas ng hangin; Severe Tropical Storm (STS) na may 121-170 kph ang lakas ng hangin; Typhoon (TY) na 171-220 kph ang lakas ng hangin; at ang Super Typhoon (STY) na may mahigit sa 220 kph ang lakas ng hangin.
Ang Modified System ay binubuo ng 5 warning signals na may posibleng pinsala: Signal no. 1, halos walang damage; Signal no. 2, light to moderate damage; Signal no. 3, moderate to heavy damage; Signal no. 4, heavy to very heavy damage; Signal no. 5, very heavy and widespread damage.
Si Dr. Esperanza Cayanan, Chief Weather Division, habang nagpapaliwanag hinggil sa Public Storm Warning System (PSWS).
Ms. Venus R. Valdemoro, Moderator, sa isinagawang Press Conference.