image

PARA maipakita ang kahalagahan ng Diversity sa negosyo at samahan sa organisasyon, nagdaos kamakailan ng Forum ang MONSANTO Philippines Inc. na kung saan ang naging pangunahing pandangal at tagapagsalita ay si Ms. Boots Anson Roa- Rodrigo, Presidente ng Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND).

Ang tema ng nasabing forum ay “DIVERSITY: Anyone has the ability and the reason to excel”.

Si Ms. Charina Garrido- Ocampo, Corporate Affairs Lead ng MONSANTO ang nagsilbing moderator at emcee ng nasabing talakayan.

Naging interesado ang mga panauhin na nakiisa at nakinig sa pagtalakay ni Ms. Boots Anson Roa sa tema na pinag-uusapan. Kung kaya, sa pagsapit ng Question and Answer, naging mainit ang pagtatanong ng mga panauhin, partikular ng mga taga Media. Halos personal na ang mga katanungan, na maging sekreto nito sa matagumpay na buhay ay inalam pa rin, na kung paano umano nito napagsabay-sabay ang pagiging isang asawa, ina, lola, Presidente ng Kumpanya, maging pagiging artista at marami pang iba.

Ayon kay Rodrigo, sa bawat samahan grupo man o kumpanya, kailangan lang ang pagkakaisa, debosyon sa trabaho, tamang action at higit sa lahat, tiwala sa Diyos.

Sa bawat katanungan, magaganda ang lahat ng kasagutan ni Ms Boots kung kaya naging matagumpay ang isinagawang forum ng MONSANTO.

Sa huling pananalita, pinasalamatan ni Sandro Rissi, Country Leads ng Monsanto Philippines, ang mga bisita na dumalo sa nasabing pagtitipon, partikular ang pangunahing tagapagsalita na si Boots Anson Roa-Rodrigo, partners sa negosyo at mga opisyal ng MONSANTO PHI.