davtoda

Nasa larawan sina Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr  at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte  sa ginanap na mass launching ng AlkanSSSya program sa Quezon City noong ika-10 ng Marso na ginanap sa Quezon City Hall covered walkway, kasama sina Corporate Executive Officer II Marissa C. Acosta, SSS Batasan Hills Branch Head Rowela Cristina R. Macasadia, Senior Analyst Lilian T Ibarra, Senior Vice President for NCR Group Jose Bautista, AlkanSSSya Program Director Amalia Tolentino at Senior Analyst Oliver M. Villarama, at ang mga miyembro ng DAVTODA.

Isa sa mga kasaling samahan ng mga tricycle operators at drivers sa Quezon City ay ang Don Antonio-Veterans (DAV) TODA sa ilalim ng SSS Batasan Hills na nagparehistro sa SSS ng paunang 100 miyembro nito. Ang unang mass launching na ito ay sumasakop sa 40 na samahan ng tricycle drivers at operators (TODA), pitong samahan ng mga nagtitinda sa palengke, isang barangay at isang samahan ng pedicab operators at drivers o PODA.