image

Ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ay nagdiwang ng Ika-68 taong anibersaryo nitong July 1, 2015, ito ay may temang “BFAR ANIbersaryo: Going Great at 68”, na ginanap sa covered court PCA Compound, Elliptical Road, Diliman, Quezon City.

Nagsimula ng 5:30 ng umaga ang pagdiriwang ng okasyon na may kasama pang live TV coverage. Kasunod nito ay ang Headdress Parade na kung saan sa bawat grupo na sangay ng BFAR ay may ibat-ibang disenyo ng kasoutan. Nagkaroon din ng Misa ng Pasasalamat at  Awarding ng mga nanalo sa 2015 Palaro ng BFAR.

Binigyan ng espisyal na atensiyon sa taong ito, ang mga empleyado para sa kanilang overall well-being. Nag-imbita ang BFAR ng fitness at health concessionaires para sa relaxation, grooming, at meditation services. Isa sa ipinakita sa programa ay ang Laughter Yoga at ang Zumba na kung saan  ang mga empleyado ng BFAR ang nag participate. May mga booths din na nagbebenta ng iba’t ibang  fishery products, katulad ng daing, sardines, buhay na isda at maraming pang iba..

Isa sa pinakahighlight ng celebrasyon ay ang Boodle fight, na kung saan sama-sama at sabay-sabay na kumain ng naka kamay ang mga bisita, opisyal ng ahensiya at empleyado nito, maging ang mga taga media. Ang layunin umano nito ay ipromote ang kasaganaan ng bansa pagdating sa fisheries resources, at ang pagpapatibay ng public awareness sa IUUF.