image

Idinaos kamakailan ng Centrist Democratic Party of the Philippines (CDP) ang kanilang 10th National Council Meeting at ang 6th National Congress, na ginanap sa Orchid Function Room, 3rd Floor City Garden Hotel sa Makati City nitong nakaraang September 11-12, 2015.

Ito’y dinaluhan ng mga opisyal ng nasabing Partido na sina: Chairman,  Lito Lorenzana; President, Rufus Rodriguez; Treasurer, Atty. Allan Montano; Deputy Secretary General. Antonio Candido; Island Vice President for Luzon, Ariel Arceo at VP for Mindanao Jordan Antolin. Dumalo rin ang mga Regional at Sectoral Representative na sina CDYAP Chairperson, Cris Giangan, mga miyembro, mga bisita at ilang mga Mediamen.

Naging matagumpay ang idinaos na CDP 10th National Council Meeting, dahil sa maraming dumalo at nagkaroon ng korum ang nasabing pagpupulong. Inilatag ng bawat opisyal ang kani-kanilang saloobin at suhestiyon na sinang-ayunan naman ng bawat miyembro. Naging tampok din sa pagpupulong ang report ng Treasurer hingil sa mga gastos at natitirang pondo ng Partido.

Napag-usapan din ang nalalapit na National election sa darating na May, 2016, na kung saan may bilang na 150 umano ang may planong tumakbo sa partido para sa ibat-ibang posisyon, subalit hindi pa tinukoy ng partido ang mga pangalan ng kakandidato. (Photo By: Jimmy Camba) (click the photo below to enlarge)

imageimageimageimageimageimageimage