image

(from left) VP Guillermo Urbano Jr., Member; SVP Jose B. Bautista, Member; VP Marrissu G. Bugante, Member; SSC Chairman Juan B. Santos; SSS President & CEO Emilio S. de Quiros, Jr.; SVP Judy Frances A. See, Member and VP Antonio S. Argabioso, Member.

SA ika-58 taong anibersaryo ng SSS ngayong buwan ng Septyembre, tampok ang pagbibigay ng award sa mga natatanging indibidwal at organisasyon na patuloy na tumatangkilik sa mga programa at misyon ng ahensiya. Magugunitang taong 1995 itinatag ang Balikat ng Bayan Awards at dinisenyo ng isang iskultor na si Dr. Antonio Raymundo.

kinilala at binigyan ng paranagal ng Social Security System (SSS) ang 16 na institusyon, sa ginanap 2015 Balikat ng Bayan Awards, ito ay bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon para sa pagbibigay ng social security protection sa mga mangagawang Pilipino at pagsuporta sa SSS sa pagpapalawig ng serbisyo nito sa loob at labas ng bansa.

Ayon kay Balikat ng Bayan Awards Committee Chairman at Senior Vice-President Judy Frances A. See, 10 kumpanya ang itinanghal na national winners kabilang na dito ang tatlong pinakamahuhusay na bangko na tumanggap ng plaque,  6 na organisasyon naman ang tumanggap ng special citations. Ginanap ang awarding ceremony sa SSS main office sa Quezon City nitong nakaraang September 18, 2015.

“Taon-taon, binibigyan namin ng parangal ang mga institusyon at organisasyon na may mahalagang naiambag para matupad ng SSS ang mandato nito. Malaki ang aming pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta na sa pamamagitan ng pagsunod at pagtupad ng mga patakaran alinsunod sa SS Law,” dagdag ni See.

Para sa Top Employers Award for Large Account, ito ay nasungkit ng National Book Store (NBS), isang kilalang retail chain ng mga libro at office supplies. Para sa Top Employers for Small/ Medium Account, ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry (FFCCII), isang asosasyon ng mga negosyanteng Filipino at Chinese naman na  sumusuporta sa pag-unlad ng Filipinas ang nag uwi nito.

“Ang dalawang Top Employers na nabanggit, ay ang pinakamahusay na employer na sumusunod sa Social Security Law. Regular na ipinagbabayad ng kontribusyon at ipinapasok sa SSS ang loan payments ng kanilang mga empleyado kasunod ang pag-sumite ng collection at payment reports”, ayon pa kay See.

Sa Best Collecting Thrift Bank muli na namang nasungkit ng RCBC Savings Bank na siya ring nakatanggap ng Balikat ng Bayan Hall of Fame award dahil nanalo na ito sa parehong kategorya sa loob ng nakaraang limang taon. Ganito din ang parangal na tinanggap ng Bank of the Philippine Islands (BPI) at One Network Bank, Inc. (ONB) na parehong nag-uwi ng dalawang (2) Balikat ng Bayan awards ngayong taon.

Para sa Best Collection Partners, hinirang ang Bank of the Philippine Islands (BPI) bilang Best Commercial Bank, RCBC Savings Bank bilang Best Thrift Bank, ONB bilang Best Rural Bank.  Ang CIS Bayad Center, Inc. naman ang Best Non-OFW Collecting Partner, at Ventaja International Corporation ang Best OFW Collecting Partner. Sila ang mga pangunahing collecting partners ng SSS na tumatanggap ng kontribusyon at bayad sa salary loan ng mga miyembro.

Para sa Best Paying Partners, iginawad ng SSS sa BPI ang Best Commercial Bank, Philippine Savings Bank bilang Best Thrift Bank, at ONB ang Best Rural Bank. Sila ang mga bangkong pinakamabilis at maagang nagbibigay ng buwanang pensyon sa mga SSS pensioners.

Kinilala din ng SSS ang Best Media Partners na patuloy na sumusuporta sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko hingil sa iba’t-ibang programa ng SSS, parehong mula sa Davao City, ang “Jet Connect: Inyong SSS” na mapapanood sa Sky Cable Davao para sa broadcast category at ang kolum na “Dangpanan” ni Rhona Goc-ong Villariasa, Columnist, Sun Star Davao Superbalita, para naman sa print category.

Ginawaran din ng Special Citations ang Philippine National Bank,  bilang paying commercial bank; Business Mirror, bilang media partner for print; at Simbag sa Pag-Asenso,Inc. (SEDP) bilang accredited collecting and servicing partner agent,” dagdag ni See.

Ang iba pang tumanggap ng special citations ay ang Quezon City Government-Office of the Vice Mayor at ang Villa Cristina Verdan Rey Villeco Camella Manuela Tricycle Operators and Drivers Association para sa kanilang AlkanSSSya Program. Kasama rin dito ang International Labour Organization (ILO) na nagbigay ng subsidiya para sa mga manggagawang naapektuhan ng bagyong Yolanda.(Photo by: Jimmy Camba) (click photo below to Enlarge)

imageimageimageimageimageimageimageimageimageimageimageimage