image

Nasa larawan sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte (2nd row, 6th mula sa kaliwa) kasama ang mga manggagawa ng Barangay Bagumbayan at empleyado ng SSS Eastwood Branch noong turnover ceremony. Makikita din sa larawan (pangalawang hilera) sina President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. (5th mula sa kaliwa), SSS Eastwood Branch Head Rowena Fesalbon (2nd mula sa kaliwa), Management Services and Planning Division Officer-In-Charge Eleonora Cinco (3rd mula sa kaliwa), Senior Vice President for Administration Group May Catherine Ciriaco (4th mula sa kaliwa), AlkanSSSya Program Consultant Amalia Tolentino (7th mula sa kaliwa), Special Assistant to the President and CEO Ma. Lourdes Mendoza (8th mula sa kaliwa) and Cooperatives and Informal Sector Department Head Ma. Nympha Ragel (9th mula sa kaliwa).

ANG Social Security System (SSS) at Quezon City Government Office of the Vice Mayor ay nagsagawa ng 2nd Grand Launching ng AlkanSSSya Program sa Quezon City Memorial Circle Basketball Court nitong nakaraang Oktubre 9, 2015,  Kabilang sa mga tumanggap ng AlkanSSSya units ay ang 100 job order at contractual workers mula lokal na pamahalaan ng Barangay Bagumbayan sa ilalim ng SSS Eastwood Branch.

Sa pamamagitan ng AlkanSSSYa Program, mas maginhawa at magaan ang pag-iipon para sa buwanang kontribusyon ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Barangay Bagumbayan.  Makikinabang sila sa mga benepisyo ng SSS dahil hindi sakop ng Government Service Insurance System ang mga job order at contractual worker ng pamahalaan.