image

Nagsagawa ng Project visit si Senator Cynthia Villar kasama ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries ang Aquatic Resources (DA-BFAR), sa pangunguna ni DA Usec. for Fisheries Asis G. Perez, BFAR 4A RD Wilfredo Cruz at NBFTC Chief Dr. Romeo Dieta. Kasabay nito ang pagbibigay ng Award at assistance sa mga fisherfolk mula sa CALABARZON  sa National Brackishwater Fisheries Technology Center (NBFTC) na matatagpuan sa Pagbilao, Quezon, nitong nakaraang Marso 5, 2016.

Sa pagbisita ni Senator Villar sa mangrove production area, binigyan diin ng Senadora ang kahalagahan ng malusog at maayos na lagay ng mangrove forest para sa proteksiyon ng mga isda, hipon at iba pang habitat na nabubuhay sa lugar, at proteksiyon na rin sa bagyo, storm serge at iba pang kalamidad.

Si Senator Villar ay chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, kilalang suporter ng Fisheries sector at Agricuture sector sa bansa.

Kasalukuyan namang ipinatutupad  ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(DA-BFAR) ang Philippine  National Aquasilviculture Program (PNAP) at ang pagsasa-ayos ng lugar para sa mangrove, para na rin sa dagdag kita ng mga mangingisda sa bansa partikular sa coastal areas.

Sa ilalim ng nabanggit na programa, milyon na ang nai-tanim na mangrove sampling mula Oktubre nitong nakaraang taon sa 19,575 ektarya ng lupa, na ang nakikinabang ay mahigit na sa 29,000 na mangingisda.

Kasabay nito, tumanggap naman ng Livelihood assistance mula sa BFAR at Senator Villar ang mahigit sa 100  fisherfolk mula sa CALABARZON na nakatapos ng kanilang training nitong nakaraang taon. Ang livelihood assistance package na tinanggap ng mga fisherfolk ay kinabibilangan ng 4,000 pcs. ng crab trays para sa soft- shelled crab production at 500 pcs. na crab container para naman sa crab fattening.(Click picture below to enlarge)

imageimage

image imageimage