RESULTA ng Laboratory testing ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Local Government Units (LGUs) sa mga shellfish na kinolekta sa ilang coastal water sa bansa ay ligtas sa red tide toxins.

Sa isinagawang Laboratory testing ng BFAR sa pakikipag tulungan ng LGUs ang mga kinolektang shellfish na kinalap sa ibat ibang lugar sa bansa ay wala umanong ano mang uri ng toxins, kung kaya’t itoy ligtas na kainin, ayon kay BFAR, Director Atty. Asis G. Perez,.

Ayon pa kay Atty. Perez, na ang mga lugar na ligtas sa ano mang uri ng red tide toxins ay ang coastal water ng: Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan at Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abukay, at Samal). ito’y sa Manila Bay; coastal waters sa Bolinao, Anda, Alaminos, Sual at Wawa, Bani sa Pangasinan; Masinloc Bay sa Zambales ; coastal water ng Melagros at Mandaon sa Masbate; Juag Lagoon sa Matnog at Sorsogon Bay sa Sorsogon; Honda at Puerto Bay sa Puerto Princesa City at Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan; coastal water sa Pilar, Panay, President Roxas, Roxas City in Capiz at Sapian Bay (Ivisan, at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camansi sa Batan Aklan); at halos buong coastal water ng Visayas at Mindanao at karatig na lugar.