image

Sa ika- 53rd Annual Fish Conservation Week Celebration ng  Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na ginanap sa Playa Calatagan Beach Resort, Sta. Ana, Batangas nitong nakaraang lunes (Oct. 17, 2016). Ito ay may temang: “Malinis at Masaganang Karagatan Tungo sa Mas Masiglang Pangisdaan.

Ang ika- 53rd Annual Fish Conservation Week na selebrasyon ay ginanap sa nasabing lugar na ang Layunin ng DA-BFAR na mailapit ito sa fisherfolk community.

Si Provincial Agriculturist Engineer Pablito A. Balantac (right) ng Batangas ang naghatid ng welcome remarks para kay Batangas Governor Hermilando I. Mandanas sa isinagawang 53rd Fish Conservation Week Celebration, para sa Opening Ceremony at Launching ng National Search for Malinis at Masaganang Karagatan (MMK).

Sa mensahe ni DA-Undersecretary for Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Eduardo B. Gongona, na dinala ng DA-BFAR ang selebrasyon, para mas lalong mapalapit ang ahensiya sa mga mangingisda sa nasabing lugar. “This is the first time the opening celebration was held outside of BFAR’s central office. We really wanted to share the occasion with our fisherfolk and show them how big a role they play in our conservation efforts,” ayon kay Gongona.

Napagkasunduan naman ni DA-BFAR National Director Eduardo B. Gongona at Vice Mayor Andrea Del Rosario ng Calatagan, Batangas na magkatulungan sa iisang layunin kung papaano makakatulong sa mga fisherfolks pagsapit ng  closed season.

kasabay sa paglulunsad ng National Search para sa Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) ang Unveiling ng Logo at AVP. Sinundan ito ng Open Forum, na kung saan naging mainit ang palitan ng opinyon dahil sa mga reklamo na matiwasay namang nabigyan ng solusyon at katugunan ni Usec. Gongona.

Umabot naman sa halagang 136 Million pisong fishery projects ang naipamigay sa Region 1V-A various municipalities, na kinabibilangan ng 27 Community Fish Landing Centers (CFLCs). Kasama dito ang house fishing equipments, venues for skills training on disaster resiliency at resource management, 190 motorized fiberglass boats, 260 hook and lines, at 25 bottomset gillnets na ipinamigay din sa mahigit isang daang fisherfolk beneficiaries. Umabot naman sa 3Million telapia fingerlings, 6.5Million bangus, at 87,000 crablets ang ipinamigay sa mga fishery inputs at 250 fish cladding units as post-harvest equipment.

Ang pagdiriwang ng Fish Conservation Week, na sa bisa ng Presidential Proclamation no. 176, na ang layunin ay gisingin ang public consciousness at hikayatin na maging active ang partisipasyon pagdating sa sustainable fisheries production. Ang espesyal na  okasyong ito ay panawagan na rin sa bawat isa sa atin at sambayanang Filipino na isalba ang mga isda at panatilihing malinis ang karagatan. (Click picture below to enlarge)

imageimageimage

imageimageimage

imageimageimage