BUHAY OFW NGAYON at IBA PA ni Therry Alpa

Magandang balita para sa ating mga kababayan at matatawag na modernong bayani. Dahil sa lumaki na ang bilang ng mga naseserbisyuhan ng POEA ONE STOP SERVICE CENTER FOR OFWS (OSSCO). Umabot na sa 137,429 simula noong Agosto 15 hanggang Oktubre 21 taong kasalukuyan .Ang mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat ang nakatanggap ng maganda at mabilis na serbisyo ng OSSCO . Matatagpuan ang nabanggit na ahensiya sa lobby ng POEA Main Office sa Lungsod ng Mandaluyong.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III nagbukas ang one stop shop noong Agosto 15 dahil sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin mabilis ang mga serbisyo ng pamahalaan sa ating mga OFWs at sa lahat ng Pilipino na nag nanais na maghanap-buhay sa ibang bansa . Napakalaking tulong sa ating mga kababayan dahil makakabawas din ito sa kanilang mga gastusin,  katulad ng pamasahe at pagkain, oras na igugugol, lalo na sa mga naninirahan sa mga probinsiya. Pinaikli na din ang mga proseso ng mga dokumentong kakailanganin.

May 14 na sangay ng pamahalaan ang kabilang sa OSSCO ng POEA, ito ay ang mga sumusunod;

1. Department of Foreign Affairs para sa pagkuha ng pasaporte, DFA NCR-Central processing

2. Philippine Overseas employment Administration (POEA) para sa mga tamang dokumento ng mga balik manggagawa. Mga tanong tungkol sa mga bakanteng trabaho at mga tamang ahensiya para sa trabaho.

3. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa proseso sa mga miyembro ng OWWA at sa mga dating miyembro. Mga katanungan sa kahalagahan ng pagiging miyembro ng OWWA at kung ano ang mga kapaki-pakinabang ng mga OFWs bilang miyembro. Kasama na din ang pagpapa-utang sa mga miyembro para sa panimula ng kanilang negosyo at pag sasanay kung paano magiging matagumpay sa pag gamit ng perang inutang.

4. Technical Educationand Skills Development Authority (TESDA) Assistance for Competency Assessment Certification and Authentication of Verification, Renewal of National Certificates,Replacement of National, Certificates of Competency (COC),Training Assistance and Scholarship Program.

5. Professional Regulations Commission,Issuance of Professional License (Referred to Robinson’s Galleria Satellite Office)

6. Maritime Industry Authority (MARINA),Issuance/Revalidation of Seaman’s Book at lahat ng pangangailangan ng isang marino o seaman.

7. Home Development Mutual Fund (HDMF), Processing of Pag-IBIG Membership

8. Philippine Health Insurance Corporation PHILHEALTH, pagbabayad ng contribution,mga katanungan sa mga benipisyo.

9. Social Security System(SSS) mga serbisyo at benepisyo ng SSS

10. Philippine Statistics Authority (PSA) para sa mga Birth Certificate,marriage, death, certificate of no Marriage.

11. Bureau of Immigration para sa mga Departure Clearance Information

12. National Bureau of Investigation mabilisan pag isyu ng NBI clearance

13. Commission on Higher Education (CHED) Processing of Application for Certification,Authentication and Verification (CAV) of school documents

14. Tourism Travel tax Payment , Processing of Travel Tax Exemption and Reduced Travel Tax

15. Philippine National Police (PNP) Help Desk to cater to the concerns of the OSSCO clients

16. Bureau of Internal Revenue Verification of TIN numbers

Simula noong Agosto 15,2016 hanggang Oktubre 23,2016, ang 24/7 Hotlines ay nakapag serbisyo na sa 15,092 nating mga kababayan.

Para sa mga katanungan maari kayong makipag ugnayan sa programang Buhay Ofw Ngayon at atbp.sa cp# 09325094528/9851941 email theresaalpa@yahoo.com. Palaging makinig tuwing araw ng biyernes 1:00-2:00 ng hapon Buhay Ofw Ngayon,Siyensiya,Teknolohiya at iba pa sa DWDD1134Khz Am band www.dwdd.com.ph co host Ernie Perez President United Filipinos Worldwide for Community Development Inc, Riyadh ,KSA.