Inanunsiyo at siniguro ng Social Security System (SSS) na maibibigay na ang karagdagang P1,000 na benepisyo sa mga pensyonado sa oras na matanggap na nito ang pormal na direktiba mula sa Malacañang.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, naayos na ng SSS ang proseso sa bangko, at na-adjust na din ang IT system bunga ng bagong kompyutasyon ng buwanang pensyon sa SSS at hinihintay na lamang  ang pirma at direktiba mula sa palasyo.

“Naihanda na ng SSS ang lahat ng dapat gawin para ipasok sa mga bank account ng mga pensyonado ang karagdagang benepisyo. Hinihintay lamang namin ang pirmadong direktiba na magbibigay sa amin ng kapangyarihan para ipatupad ito,” ayon kay Dooc. 

Sinabi pa ni Dooc, na  bilang ahensya ng pamahalaan, anumang pagkilos ng SSS ay kailangang may ligal na basehan.