Hinihikayat ng Social Security System ang mga pensyonado  na kaagad i-report ang kanilang depository bank kung ang dagdag P1,000 benepisyo ay hindi nila natanggap hanggang sa ngayon ngayon.

Sinabi ni Social Security Commission Chairman Dean Amado D. Valdez na kapag napatunayan na may mga depository banks na hindi nagbigay ng P1,000 dagdag benepisyo ngayong araw, ang accreditation nito sa SSS bilang partner depository bank ay maaaring suspendihin o kanselahin.

Idineposito ng SSS sa mga partner banks nito ang P2.04 bilyon noon Pebrero 27 bilang dagdag benepisyo sa mga pensyonado.

Ang mga pensyonado ay maaaring mag-report sa SSS call center sa mga numerong 920-6446 hanggang 55, mag-email sa member_relations@sss.gov.ph o magpadala ng mensahe sa Facbeook account: SSSPH.