Nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalake sa isinagawang entrapment operation sa Minalin, Pampanga noong nakaraang Marso 17, 2017.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang  suspect na si  Martin Dominic Borromeo y Lising alias Martin Dominic, 26-year old college graduate nakatira sa Parian (Pob.), Mexico, Pampanga.

Tinatayang 1:20 ng madaling araw nitong nakaraang Marso 17, nagsagawa ng buy-bust operation laban sa suspek ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3), sa ilalalim at direktang pangangasiwa ni Regional Director Juvenal Azurin, kasama ang Minalin MPS Det. sa Brgy. Sto. Domingo, Minalin, Pampanga.

Nakumpiska kay Martin Dominic ang isang transparent plastic sachet na hinihinalang methamphetamine hydrochloride, na kilala sa tinatawag na shabu, may timbang na humigit kumulang sa 2.428 gramo, nagkakahalaga ng halos Php12,140.

Si Martin Dominic, ay kakasuhan sa korte ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.