By: Max Ferrer

image

Umiskor ng 46 points ang import ng Ginebra na si Justin Brownlee, kanyang PBA career high upang pataubin ang Talk N Text KaTropa sa iskor na 115 – 105 sa Smart Araneta Coliseum.  Naghabol ang Ginebra mula sa unang yugto hanggang sa ikatlong yugto ng laro dahil sa magandang opensa ng mga KaTropa tulad nila Jeth Troy  Rosario, William Jason Castro, Roger Pugoy at ang import nilang si Glen Rice, Jr.

Mainit ang laro sa unang yugto pa lang ng laro.  Malapit ng matapos ang 1st quarter, kulang sa dalawang minuto na lang nang nagkainitan si Glen Rice, Jr., import ng Talk N Text at si Kevin Ferrer ng Ginebra.  Tinulak ni Rice si Ferrer upang matumba at pinukol pa ng bola si Ferrer sa kanyang mukha.  Kahit sablay ang tama kay Ferrer, naging dahilan eto upang tawagan ng technical foul at Flagrant foul 1 si Rice sa kanyang aksyon na naging sanhi upang siya ay ma eject sa laro.

Pumukpok pa rin ang mga Katropa hanggang matapos ang 2nd quarter sa kanilang kalamangang 66 – 52.  Unti-unting lumapit ang Ginebra dahil walang import ang kalaban kaya pagkatapos ng 3rd quarte, ang iskor ay 86 – 80, pabor pa rin sa TnT KaTropa.

Pagpasok ng 4th quarter ay umabante na ang Ginebra hanggang lumaki ang kanilang kalamangan at natapos ang laro sa 115 – 105 upang maipagtaggol nila ang kanilang hawak na korona laban sa Meralco na sila ring nakalaban noong nakaraang taon.

imageimageimage