Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halagang  P6 Billion na droga nitong nakaraang biyernes, November 10, 2017 sa Integrated Waste Management Incorporated (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Sa pamamagitan ng thermal decomposition sinira ang ibat-ibang uri ng droga na umaabot sa halagang 952.69 kilos, ito ay binubuo ng methamphetamine hydrochloride (HCl), o shabu, cocaine, ketamine, marijuana, benzphetamine HCl, N-benzylpiperazine, zolpidem, ephedrine, propanolol, sodium carbonate, valium, nitrazepam, nalbuphine, clonazepam, alprazolam, midazolam, methylphenidate, MDMA, codeine, pseudoephedrine, expired na gamot; at liquid shabu na may timbang na 1,070,159 ml (1,079.159 litro).

Base sa pahayag ng PDEA Laboratory Service, ang mga sinunog na droga sa isinagawang aktibidad ay umaabot sa 873,033.14 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P4,365,166,700.00; liquid shabu na may timbang na 1,070,159 ml. nagkakahalaga ng 1,605,238,500.00; 82.73 gramo ng cocaine halagang P314,374.00; 300.25 gramo ng ketamine na halagang P1,501,250.00; 9,002.33 gramo ng marijuana halagang P135,034.95; 16,258.26 gramo ng ephedrine na nagkakahalaga naman ng P650,330.40; at 896 gramo ng pseudoephedrine sa halaga namang 309,657.60; at mga  expired ng gamot na may timbang na 30,000 gramo na umaabot sa kabuoang P6,001,826,947.80 ang halaga nito.

“We want the public to witness the destruction of dangerous drugs seized by drug enforcement officers to allay public apprehensions that these illegal drugs and illicit substances are being reused, recycled or sold back in the streets,” said PDEA Director General Aaron N Aquino.

Si Senador Richard Juico Gordon, na Senate Chairman on Blue Ribbon Committee, ang nagsilbing Guest of Honor at tagapagsalita na renepresentahan ni Mr. Ruy Moreno,  Chief of Staff,  sa isinagawang seremonya.

Ang seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal ng Barangay Aguado, Trese Martirez City, Cavite City, representante ng DOJ, DILG, NGO,s at mga mamamahayag mula sa ibat ibang sangay ng pamamahayag.

Ang nasabing pagsira sa mga droga ay alinsunod na rin sa itinakdang batas na Section 21, Article II of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.