clip_image002

ANG Monsanto Philippines at Biotech Coalition of the Philippines (BCP) ay naghatid ng saya sa mga kabataang residente na  naninirahan sa MONSANTO Village.

Binisita ng Monsanto Philippines at ng Biotech Coalition of the Philippines (BCP) ang mga residente na naninirahan sa Monsanto Village, ito para magbigay saya at galak  na may kasamang pamaskong regalo sa pangsapit ng noche buena, at nagbigay din ng mga  sewing machines para sa livelihood program ng mga kababaihan na naninirahan sa nasabing Village.

Ayon kay Erwin Vibal, Monsanto’s Country Commercial Lead, shared that “we want the beneficiaries of our housing project with Gawad Kalinga (GK) to have a Merry Christmas so we came with goodies that families can partake of during noche buena. These may be modest gifts but they are from the heart. Vibal also thanked Gawad Kalinga for continually supporting the residents of Monsanto Village.

Samantala, tinugunan naman ng  BCP ang kahilingan ng mga village’s housewives na magkaroon ng sewing machines para mag karoon ng extra income at makatulong sa pamilya sa pamamagitan ng panananahi habang naiiwan sa kani-kanilang mga tahanan habang nagaalaga ng kani-kanilang mga anak. “Gusto naming pasalamatan ang Monsanto Philippines at BCP sa kanilang pagbisita sa amin para bigyan kami ng mga regalo  at sewing machines na panghanap buhay. Sa ngayon magkakaroon na kami ng pagkakataon na makatulong sa aming mga asawa sa pamamagitan ng pananahi at magkaroong extra income gamit sa pang araw-araw na gastusin,” ayon naman kay Aling Sara Jane Nacpin.

Ang Monsanto Village ay  isa sa proyekto ng Monsanto Philippines at ng Gawad Kalinga na biktima ng Typhoon Haiyan. Sinabi pa ni Vibal“we are truly happy that our beneficiaries have finally recovered from the aftermath of Typhoon Haiyan and are now leading better lives. Hopefully, we have made an impact to make farming families in more successful. When farmers are successful, so are we,”ayon pa dito.