40th National MILO Marathon Aarangkada na!

image

Muli na namang aarangkada ang apat (4) na dekada ng sinususbaybayan ng mga atletang masugid na nag-aabang sa pagsapit ng ika-40th Anibersayo ng National MILO Marathon, Itong nakaraang July 14,  2016  inilungsad ang nasabing palaro.  Sa labing apat (14) na regional race ang  unang napiling pagdarausan ng National MILO Marathon ay ang Dagupan na kung saan ito ay magaganap sa darating na July 17, 2016.

Mula pa sa umpisa, ang National MILO Marathon ay talagang kinagigiliwan na ng bawat indibidual partikular ang mga propesyunal na mga runners at mga mahihilig sa pagtakbo, ano man ang uri ng propesyon maging sa lokal at internasyonal. Ngayong taon, ang National Milo Marathon ay inaasahang dadagsain ng daang-daang mananakbo sa bawat kategorya. Tinatayang aabot sa mahigit 200,000 na mula sa bawat sulok ng bansa maging sa labas ng Pilipinas ang makikilahok ngayong ika-40th na taon ng National MILO Marathon. Sa taong ito ang  tema ng nasabing okasyon ay “Energizing Champion, Inspiring Millions.”

Sa taong ito ang Iloilo City ang napili ng mga opisyal na pagdausan ng National Finals na gaganapin sa December 4, 2016. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magiging Host ang Visayas, kung kaya naman ecited na rin ang mga Ilonggo. “The city of Iloilo is honored and excited to be a part of the National MILO Marathon’s historic culminating event,” ayon kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog. “We are extending our full support and hospitality as we welcome the National MILO Marathon runners to Iloilo.”

Magugunitang nitong nakaraang 39th National MILO Marathon ang nagwagi ang two-timer MILO Marathon King na si Rafael Poliquit at ang three-timer MILO Marathon Queen Mari Joy Tabal, kabilang sa premyo na napanalunan sa 39th National MILO Marathon nitong nakaraang 2015, si  Poliquit at si Tabal ay ipinadala sa katatapos lang na competisyon sa world-famous Boston Marathon sa Massachusetts nitong nakaraang April 2016. Sa bawat taon ang MILO ay nagbibigay pagkakataon sa MILO Marathon King and Queen winners para lumahok sa international race sa labas ng bansa.

“The 40th anniversary of the National MILO Marathon is truly a grand milestone for us. We aim to go beyond than being the country’s prestigious footrace by providing better race experiences as we energize champions and inspire millions more,” ang sabi ni Andrew Neri, MILO Sports Marketing Manager. “The past and present champions of the National MILO Marathon have become our agents of motivation that energized Filipinos to be at their best in their respective endeavors. Their resilience, grit, discipline and other values have made them winners in sports and in life, and we hope to continue the cycle and see more champions in the future.”

Ang National MILO Marathon ay mayroon ding  program para makatulong sa mga kabataan nationwide. Sa nakalipas na anim na taon, naging adbokasiya na ng National MILO Marathon na magbigay ng sapatos sa mga kabataang estudyante katuwang ang Department of Education na kung saan nakapagbigay na ng halos 60,000 pares ng sapatos sa loob ng nakalipas na anim na taon. Ngayong taon muli silang mag do-donate ng 10,000 pares ng sapatos sa mga underprivileged school children.

Pagkatapos ng race sa Dagupan (July 17), ang elimination legs ay sa Tarlac naman gaganapin (July 24), Metro Manila (July 31), Batangas (August 7), Lucena (August 14), Naga (August 28), Tagbilaran (September 18), Cebu (September 25), Dumaguete (October 2), Davao (October 9), General Santos (October 16), Cagayan De Oro (October 23), and Butuan (October 30). ang National Finals ay gaganapin sa December 4, sa Iloilo City.

Sa ika-40th National MILO Marathon katuwang ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Department of Education at ang Philippine Athletics Track and Field Association, sa suporta ng Asics, Salonpas, FWD, TIMEX, 2XU, Endurance, Hisense, Maynilad and PhilamLife. (Click picture below to enlarge)

image image

image

Dear Runner,

Take the chance to inspire millions. Head on to our registration sites to join the 40th National
#MILOMarathon. http://bit.ly/1V3ptnR
You can still register until July 24,2016 at the ff store partners…
ASICS BHS
ASICS Greenbelt
ASICS Trinoma
Toby’s MOA
Timex Megamall
Register now!

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/40th-national-milo-marathon-aarangkada-na/