,image

Inanunsiyo ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol ang paglulunsad ng proyektong “BASIL”o Ang Balik Sigla sa Lawa. ito ay programa ng National Government sa ilalim ng Department of Agriculture and Fisheries (DAF) sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na ang layunin ay mailapit ang pagkaing dagat sa mga mahihirap nating kababayan na naninirahan malapit sa lawa, katubigan at estero, na magiging daan para matugunan ang kahirapan sa bansa.

Ang ginanap na paglulungsad ng BASIL sa Laguna de bay ay tugon na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tanggalin ang malalaking fishpens sa lawa para mabigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na mangingisda na makapangisda at makapaglagay ng maliliit na fish cage.

Ang nasabing hakbang ay sinuportahan at tinanggap ng stakeholders ng Lawa kasama ang Laguna Lake Development Autority (LLDA), Local Government Units sa buong Laguna de bay, National Anti- Poverty Commission (NAPC), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), University of the Philippines Los Baños (UPLB), National Agriculture and Fisheries Council (NAFC), at mga opisyal ng fisherfolk groups sa Laguna de Bay.

Pinangunahan ni Secretary Manny Piñol at Senator Cynthia Villar kasama sina: DA Undersecretary  Bernadette Romulo-Puyat; Evelyn Laviña;  at Segfredo Serrano; Mayor Perez, ng Los Baños Laguna; Jaime Medina, Gen Manager LLDA;  at iba pa, ang isinagawang initial dispersal ng 5 million na fingerlings fish species sa Laguna de Bay.

Sa mensahe ni Senator Cynthia Villar bilang Chairperson at Committee on Agriculture and Food, buo ang kanyang suporta sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa paglulungsad ng Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) program, kasabay sa pagdiriwang ng ika-119th anniversary ng DA na ginanap sa tabing lawa ng municipal hall sa Barangay Baybayin, Los Baños, Laguna nitong nakaraang lunes (June 19, 2017). Kaalinsabay din sa pagdiriwang ng ika-156th birth anniversary ni Dr. Jose P. Rizal ang Pambansang Bayani.

Umabot sa Php 56.3 million ang tulong na tinaggap ng mga piling beneficiary association ng mga mangingisda at mga Municipalidad.

Ang tulong sa proyekto ng BASIL na nagkakahalaga ng 15.7M na tinanggap ng 658 mangingisda na benepisyaryo nito: 5 Million piraso ng Fingerlings (Tilapia, Ulang at Bangus), 4 Knifefish Retrieval (Cash for work), 600 units of Bottom Set Gill Nets, 600 units of Bttom Set Gill for Knifefish, 500 units of kitang for Knifefish, 200 units of Motorized Banca, 5 Patrol Boat (single Engine), 85 ACPC Loan Assistance at Cash for Work/ Livelihood Assistance for Coastal Clean-up.

Tumanaggap din ang Regional awardee ng tulong na nagkakahalaga ng 40.6M na ang bilang ng mga benepisyaryo ay umabot sa 820, tinaggap ng mga ito ang: 70 units of Motor Engine (30 units 8hp, 40 units 12 Hp), 900 units of Crab Pots, 195 units of Lantern Light, 200 units of Life vest, 10 units of Patrol Boats(Double Engine), 8 Community Fish Landing,  Centers ( CFLCs), 100 units of Fish Stalls, 50 units of Fish Cages, 4 Bottom –UP Budgeting Projects, 570,000 pieces of Mangrove Propagules at 230 units of Seaweeds Farm Implements.(Photo by: Jimmy Camba and Ben Briones)(Click picture below to enlarge)

imageimage

imageimage

imageimage

image