Author: Annabelle Surara

National Hospital Week ipinagdiriwang ng DOH, ibat-ibang aktibidad pangkalusugan isinasagawa sa buong bansa

Taun-taon ginugunita ang National Hospital Week sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto, ito ay batay na rin sa Presidential Proclamation 181. Sa taong ito, ang tema ng pagdiriwang ay “ospital kaagapay para sa malusog na isip at katawan tungo sa pagbabago” Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, layunin ng selebrasyon ito na mai-promote ang awareness tungkol sa mga programang pangkalusugan at ang mahalagang ginagampanan ng mga hospital sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang sektor sa komunidad, layunin nito na mapanatili ang malusog na lipunan at ng buong bansa. Dito sa NCR, sinabi ni Dr. Imelda Mateo, Chairperson ng 2017 national hospital week celebration, na ilan sa pinaghandaang aktibidad ay ang exhibit na makikita sa lobby ng Lung Center of the Philippines, dito ipinapakita ang mga serbisyo ng hospital, pasilidad at mga ginagamit na equipments para gamutin ang isang pasyente. Kahapon naman ay nagsagawa ng summit ang mga director ng ibat’ibang hospital sa NCR, dito tinalakay ang mga health emergency preparedness. Ngayong araw na ito ay isinagawa ang community based services sa mga kababayan natin sa Batasan Hills health center sa Q.C na dito ay nagkaloob sila ng libreng medical check up, diagnosis at libreng gamot. Ang selebrasyon ng National Hospital Week ay tatagal hanggang Agosto a dose,...

Read More

Mahigit sa anim na libong bagong kaso ng Cervical Cancer naitala ng DOH

Suliranin pa ring pangkalusugan hanggang sa kasalukuyan ang pagtaas ng bilang ng mga kababaihang dinadapuan ng cervical cancer dito sa bansa. Ayon sa Department of Health, nakapagtala sila ng mahigit na anim na libong mga bagong kaso ng cancer. Kaya naman, tuloy tuloy ang kanilang programang immunization sa mga paaralan para maprotektahan ang mga batang mag aaral laban sa nabanggit na cancer. Sa pag aaral pumapangalawa ang cervical cancer sa mga cancer related cases na nagiging sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Payo ng DOH lalong lalo na sa panig ng mga nanay na may anak na mga batang babae, makipag-ugnayan sa health center na malapit sa kanilang tahanan at alamin kung paano sila makaka-avail ng bakuna laban sa cervical...

Read More

DOH, Patuloy ang Panawagan sa mga Nanay na Magpa-Breastfeed

Sa pagdiriwang ng National Breast Feeding Awareness month, ipinagdiriwang ngayong buwan Pinangungunahan ng Department of Health ang lahat ng mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month upang lalong maitaas ang kamulatan ng mga ina na may anak na sanggol sa kahalagahan na ma-breastfeed ang kanilang baby. Kaya naman patuloy ang panawagan ng kagawaran ng kalusugan sa lahat ng mga ina na may sanggol nai- breast feed ang kanilang anak. “Sa mga nanay, sa mga kababaihan natin na magbubuntis pa at manganganak, at sa mga young girls natin na balang at araw ay magiging nanay …wala na pong papantay a breastmilk, pinakamaganda at pinaka optimal nutrition para sa ating mga anak so, mag breastfeeding po tayo, kung meron po kayong problema, sumangguni po sa pinakamalapit na health center , tutulungan po namin kayo”. – Health Sec. Ubial ayon pa kay Health Secretary Paulyn Ubial, ang breastfeeding ay nakatutulong sa nanay upang hindi agad na mabuntis dahil magsisilbi itong contraceptive. “Ginagamit po natin ang breastfeeding sa lactation amernoria method afef giving birth kung tuloy tuloy ang breastfeeding natin up to six month pwede siyang maka control ng ovulation, can serve as contraception”. –...

Read More

Breastfeeding Activity na tinawag na “HAKAB NA, 2017”, Idinaos!

Dinaluhan ng halos dalawang libong mga nanay kasama ang kanilang mga sanggol ang Breastfeeding Activity na tinawag na HAKAB NA, 2017. Batay sa Republic Act 10028 o mas kilala bilang Expanded Breastfeeding promotion Act of 2009, ipinagdiriwang ang Breastfeeding awareness month tuwing Agosto. Ang selebrasyon ay naglalayong lalung maitaas ang antas ng Public Awareness tungkol sa kahalagahan ng breastfeeding at ito ay maipalaganap sa buong bansa. Kaugnay nito, isinagawa ang breastfeeding activity na tinawag na “Hakab Na, 2017”. Ayon kay Abigail Co, Presidente ng Breastfeeding Pinay, ang Hakab ay tagalog ng salitang “Latch” na ang ibig sabihin ay pagpapasuso ng sanggol sa dibdib ng ina. Ang pagdiriwang ng Hakab ay ginagawa taun-taon sa pangunguna ng Breastfeeding Pinay na isang non-governmental organization katuwang ang Department of Health o DOH. Umabot sa halos dalawang libong mga breastfeeding moms ang dumalo sa nasabing aktibidad dala ang kanilang mga sanggol at dito ay muling binigyang-diin ang kasabihang “Breastmilk is still best for babies”. Sinabi pa ni Abigail Co: “Ang pagpapasuso at ang breastmilk ang pinakamagandang nutrisyon sa lahat ng mga infants at wala nang papantay pa sa breastmilk…ibig sabihin ang mga formula milk ay ginagaya ang breastmilk pero hindi ito kasing ganda at hindi yun papantay sa breastmilk. Ang breastmilk ay mayroong anti-bodies para makaiwas sa sakit. Ang timpla ng gatas ng ina ay sapat para sa edad ng kaniyang anak, ibig sabihin,...

Read More