BT corn Nakatulong sa Pag-uunlad ng isang Barangay

Sa pagdiriwang ng Biotech  Week nitong  nakaraang lingo, bumuo ang Biotech Coalition of the Philippines (BCP) ng isang libreng panonood ng animated version na pambatang libro na may pamagat na “Lina’s Town Rises Again” para sa mga magaaral  na humigit kumulang sa 450 ang bilang na  mula sa Mines Elementary School at may 350 mga estudyante na mula naman sa Project 6 Elementary School bilang bahagi ng nasabing okasyon.

Ang librong Lina’s Town Rise Again na ang may akda ay si Chat Garrido-Ocampo, ay hango sa kwento ng tunay na buhay ni Consolacion Reyes. Siya ay isang magsasaka na nawalan ng bahay at pangkabuhayan matapos na salantain nang rumaragasang Bagyong Pablo ang kanilang probinsya taong 2012. Nawalan na rin ng pag asa pa sa buhay ang pamilya dahil sa nangyaring kalamidad.

Muling nabuhayan ng loob ang pamilya matapos na mapabalita ang magandang dulot sa pagtatanim ng biotech corn seeds. Agad na binungkal ng pamilya ang kanilang lupain na matagal na ring nakatiwangwang at tinaniman ng biotech corn seeds. Makalipas ang ilang buwan namunga ng masagana ang tanim na mais ng pamilya kung kaya’t unti-unti silang nakabangon sa kahirapan  at  guminhawang muli ang buhay matapos ang sumunod na pagtatanim at pag-ani nito.

Ibinahagi ng pamilya ang blessing na dulot ng pagtatanim ng biotech corn seeds sa mga kabarangay, at sa sumunod pang taniman muling nakabangon ang buong barangay sa sinapit na delubyo ng kanilang lugar

Sa nasabing kwento , ipinapakita ang tunay na pagtutulungan, tapat na pagdadamayan, at pagkaka-isa ng mga magkakapitbahay para sa kaligtasan at pagpapanatili ng likas na yaman na biyaya ng maykapal.

Una nang napanood ang nasabing animation na pambatang libro ng mga mag-aaral mula sa isang pampublikong paaralan sa Cagayan, Davao City, at iba pang paaralan. Ayon kay Ocampo, pag-asa at aliw ang naging pagtugon ng mga bata matapos na mapanood ito. Naging interesado aniya ang mga mag-aaral sa agrikultura at nakibahagi pagdating sa question and answer, Partikular na itinatanong nila ang tungkol sa biotech crops.

Samantala, ayon kay BCP Executive Secretay  Abe Manalo, maraming impormasyong makukuha ang mga batang mag-aaral sa internet sa panahon ngayon kaya “mahalagang mabigyan ng oportunidad ang mga ito na masuri at matiyak ang katotohanan ng bawat impormasyong kanilang nababasa. Ito ang dahilan kung bakit binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagtanong matapos ang panonood.

Dagdag pa ni Ocampo, layunin ng kwento ni Aling Conching na makapagbigay inspirasyon sa mga batang mag-aaral na magkaroon ng kakayahang makabangon agad sa kabila ng mga nararanasang unos sa buhay at maituro ang kahalagahan ng pagsisikap, pagtututlungan, pagtititwala at pagmamamahal sa kapwa at pagmamahal sa inang kalikasan.

Ang Lina’s Town Rises Again ay ang pangatlong librong isinulat ni Garrido Ocampo. Una nang isinulat ni Ocampo ang mga librong! Popong Eats His Rice at ang Popong Eats Brown Rice.

Ang BCP naman ay isang non-stock, non-profit na organisasyon. Itinataguyod nito ang responsableng paggamit ng biotechnology, kung kaya hinihikayat nito ang mga magsasaka sa paggamit ng biotech crops, dahil ito ay ligtas na gamitin at mabuti sa kapaligiran.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/bcpibinahagi-ang-magandang-dulot-ng-biotech-crops-sa-mga-mag-aaral-sa-pamamagitan-ng-animation-show/