BFAR Ginunita ang ika-69 taong annibersaryo

image

Kasabay sa pagdiriwang ng ika-69th anniversary ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) nitong nakarang July 1, 2016, ang ceremonial turnover na susi ng responsabilidad mula kay outgoing Undersecretary for Fisheries Atty. Asis G. Perez na isinalin kay incoming BFAR National Director Eduardo B. Gongona. Ang nasabing selebrasyon ay may temang “69 Years of Service: Counting and Continuing BFAR’s Best.”

Sa maikling mensahe ni outgoing Atty Asis G Perez, binati nito ang bagong upong BFAR Chief sa pagkakatalaga nito bilang pinuno ng ahensiya. Pinasalamatan din ni Perez ang mga empleyado na nakasama at lubos ang naging suporta sa kanyang pamumuno sa loob ng anim na taon sa BFAR.

Hiniling pa ni outgoing chief sa mga nakasama niyang empleyado sa BFAR, na kung ano ang naging pagsuporta ng mga ito sa kanyang pamumuno ganon din sana ang maging suporta sa bagong upong BFAR chief na si Eduardo B. Gongona na dating Commodore ng Philippine Coast Guard na kareretiro lamang.

“I am very much thankful and honored that for more than five years I was given the opportunity of leading the dedicated public servants of the bureau and serving the country’s fisheries industry,” said Perez, who has served as BFAR National Director from 2011-2016 and concurrent Undersecretary for Fisheries from 2014-2016.

“I congratulate my successor, Director Gongona and wish him all the best. As I thank the whole bureau for their support during my stint, I urged them to rally behind their new leader,” ayon pa kay Perez.

Pinasalamatan naman ni Gongona si Perez sa pagbibigay papuri at tiwala. Pinuri rin ni Gongona ang dating chief sa sipag at tiyaga at pagigiging positibo sa pagpapatupad ng mga programa na tinatamasa na sa ngayon ng mga kapatid nating fisherfolks  na umaabot na sa bilang na 1.7 million.

Tututukan naman ni Gongona ang pagbabantay sa karagatan at pag sugpo sa mga illigal fishing sa pamamagitan ng BFAR fisheries Law imforcement, para makamit ang food security na mag-resulta sa sustainable fisheries production.

“Food security is one of the utmost priorities of the present administration and we will ensure that this will be attained in the fishery sector. In order to realize this goal. However, we should intensify our efforts to enforce our fishery laws and eradicate illegal fishing, so that the very source of livelihood of our fisherfolk is protected and our fisheries production sustained,” ayon kay Gongona.

Pagkatapos ng ceremonial turnover, sinimulan na ng mga empleyado ang selebrasyon para sa ika – 69 anniversary ng BFAR.  Sa unang bahagi nito isinagawa ang Parada na nag-umpisa sa Philippine Coconut Authority (PCA) Covered Court, patungo sa Elliptical Road at kumaliwa sa Commonwealth Avenue pabalik ng  PCA Compound.

Sa isinagawang maikling prusisyon ipinapakita ang vibrant display ng mga naging accomplishments ng BFAR sa loob ng anim na taon. Una ng ipinakita ang 1.7 million registered fisherfolk sa ilalim ng National Program para sa Municipal Fisherfolk Registration o FishR, kasunod ang tumataas na bilang ng mga registered fishing boats under the National Program para sa Municipal Fishing Vessels at Gears Registration o BoatR, at ang bagong itinatayong National Fisheries Complex na siyang magiging permanenteng tahanan ng mga taga-BFAR pagkatapos ng kulang kulang sa (7 dekada) o 69 na mahabang taon. Kasunod nito ang ibat-ibang masasayang palaro at iba pang aktibidad.

Ang appriciation program na tinawag na Salamat- Mabuhay ay para naman sa pagbibigay pugay sa mga empleyado na naging tapat sa kanilang serbisyo sa ahensiya sa loob ng mahabang panahon, at tribute na rin sa mga magreretirong empleyado at outgoing BFAR director na si Atty. Asis G. Perez. (Click picture below to enlarge)

 imageimageimageimageimage

###

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/bfar-gunita-ang-ika-69-taong-annibersaryo/