Boysen at Davies “Lead-safe” Paint Na

image

Bago pa man sumapit ang itinakdang buwan sa pag phase-out ng mga pintura na may halong tingga (Lead) sa darating na Disyembre 31, nitong kasalukuyang taon nakamit na ng dalawang nangungunang kumpanya ng pintura sa bansa ang sertipikasyon o katunayan na ang kanilang mga produktong pintura ay ligtas sa ano mang uri ng Kemikal na nagtataglay ng tingga (lead).

Sa isinagawang press conference na pinangunahan ng Philippine Association of Paint Manufacturers at ng Eco Waste Coalition na ginanap sa Quezon City, masayang ibinalita na ang Pacific Paint (Boysen) Philippines, Inc. at ang Davies Philippines, Inc. ay pumasa sa pandaigdigang “ Lead Safe Paint Certification Program.” kinilala bilang kauna-unahang kumpanya ng pintura sa buong mundo na nag-aply at nabigyan ng Lead Safe Paint Certification ng bagong tatag na certification program.

Binuo ang certification program ng international non-profit IPEN, para malaman ng mga customers na ang pinturang kanilang binibili ay ligtas sa anumang uri ng kemikal na nagtataglay ng tingga at sinusunod ang mandatory at regulatory standard ng Filipinas. Otorisado rin ang dalawang kumpanya na maglagay ng Lead Safe Paint Logo sa kanilang mga produktong pintura.

Pinagkalooban ng SCS Global Services (isang certification body na nakabase sa California , USA) ng Lead Safe Paint Certification ang 430 na pintura na may tatak na Boysen, Nation,  Titan at Vituoso na gawa ng Pacific Paint (Boysen) Philippines, Inc. Ginawaran din ang Davies Paint Philippines, Inc. ng Lead Safe Paint certification sa kanilang 379 na produkto na may tatak na Davies.

Ayon kay  Johnson Ongking, Vice President ng Pacific Paint (Boysen) Philippines, Inc. “we’re certainly pleased that our efforts to promote lead safe paints have been recognized by a global program.

Sinabi naman ni  Johnlee Garcia, Presidente ng Davies  Paints Philippines, Inc. “ This distinction as one of the world’s first certified lead safe paints is a testament to the Davies mission (of providing green decorative and industrial coatings to our costumers).

Ikinatuwa naman ng Eco Waste Cualition,  ang  aktibong grupo na nagsusulong na maalis ang halong tingga sa mga kemikal partikular sa pintura na ginagamit sa pagpipintura ng bahay, laruan, appliances at iba pang bagay na ginagamitan ng pintura. Maiiwasan na rin umano ang matinding  banta na malantad sa tingga ang kalusugan ng mga bata, buntis, mga trabahador na naka expose sa pintura, ayon naman sa Presidente ng Eco Waste Cualition na si Noli Abilanes.

Batay sa Administrative Order 2013-24 ng DENR, hindi dapat lumagpas sa 90 parts per million (ppm) ang tingga sa pintura. Itinakda rin ng DENR ng pag phase-out sa mga architectural, decorative at household paint  na may halong tingga sa Disyembre 31, nitong katapusan ng taon, at sa Disyembre 31, naman ng 2019 ang deadline sa phase-out ng industrial paint na may halong tingga.

Hinimok din ng Eco waste Cualition ang mga ahensiya ng pamahalaan, real state developer, shopping mall, day care center, schools, simbahan, playground at iba pa  na pagtibayin ang “Lead Safe Paint Procurement Policy” na kailangang ligtas sa tingga ang gagamitin nilang pintura, para na rin sa kaligtasan ng publiko partikular ng mga bata.(Click picture below to enlarge) 

imageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/boysen-at-davies-lead-safe-paint-na/