Buntis Summit ng DLSMC naging Matagumpay

image

May 26, 2017 – Dinagsa ng halos  300 buntis na ina ang kauna-unahang Buntis Summit ng De Los Santos Medical Center na ginanap mismo sa covered parking ng nasabing Ospital sa Rodriguez Sr. Bldg. Quezon City.

Sinimulan ang nasabing okasyon ng 9:00 AM at nagtapos ng halos 4:00 PM. Maraming naging tagapagsalita sa isinagawang pagtitipon na naka-sentro ang usapin hingil sa pagbubuntis. May nagpaliwanag hingil sa Vaccination in Pregnancy, Planning and Pre-conceptional Care, Breastfeeding, Pedia Vaccines, Proper Skin Care during Pregnancy at marami pang ibang topic ang tinalakay para maging malusog ang sanggol bago pa man iluwal ito. May mga itinayo ring Booths sa nasabing lugar na may mga Produkto, Serbisyo na nauukol sa pagbubuntis at marami pang iba na mula sa mga kumpanyang ka-partner sa nabanggit na okasyon. Naging host sa nasabing pagtitipon ang batikang TV Host na si Niña Corpuz.

Sa ginanap na summit, nagkaroon ng presentation hinggil sa tie that Binds Mommy and Baby sa pamamagitan ng Digital Umbilical Cord. Ipinaliwanag ni Chief Information Officer ng De los Santos Medical Center  Eriene Lao kung ano ang DLSMC Digital Unbilical Cord at ang kahalagahan nito . na ayon dito, ang Digital Umbilical Cord ay isang digital gadget na nakakabit sa paa ng isang sanggol na bagong panganak at ang pares nito ay nakakabit naman sa braso ng ina ng sanggol, na ang ibig sabihin hindi maaaring mapalitan ang sanggol ng iba, dahil kapag pinagdikit ang pares ng Digital Umbillical Cord na nasa bata at nasa ina ito ay mag-sisignal ng red. Kapag naman ninakaw ang sanggol mula sa nursery ng ospital, hindi makakalabas ang kumuha ng sanggol dahil may madadaanan itong Serene gadget light na kapag  nalagpasan mo, ito ay tutunog na ang ibig sabihin, hindi ikaw ang may ari ng sanggol.

Sinasabing ang digital Umbillical Cord ay kauna-unahang Technology na adopted sa Filipinas.

Pinangunahan ng Pesidente at Chief Executive Officer ng De Los Santos Hospital Raul C. Pagdanganan ang nasabing pagtitipon kasama ang ilang opisyal at kawani ng nasabing Ospital.

Naging pangunahing bisita naman ang Vice Mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte, mga kagawad ng Media mula sa TV, Radio, Print at Social Media at marami pang iba.(Click picture below to enlarge)

imageimageimageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/buntis-summit-ng-dlsmc-naging-matagumpay/