DAR Sec. Mariano, kaisa ng mga empleyado ng NFAEA

Dumalo si Agrarian Reform Secretary (DAR) Rafael “Ka Paeng” Mariano sa ika- walumput siyam (89th) na taon ng National Board Conference of the National Food Authority Employees Association o NFAEA sa lungsod ng Davao at bilang pakikiisa ng kalihim sa kanilang pagsisikap upang patatagin ang presyo at supply ng palay at mais kasabay sa pagpapataas sa kita ng mga magsasaka.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Secretary Mariano na kaisa umano siya sa panawagan ng NFAEA para sa pagkakaisa tungo sa isang makabuluhang pagbabago para sa bansa, lalo na para sa kapakanan ng mga magsasaka.

Sinabi pa ni Secretary Mariano na kasalukuyan na nitong trinatrabaho ang pagsasabatas ng genuine agrarian reform bill na siya umanong magdadala ng makabuluhan at nararapat na pagbabago para sa mga magsasaka.

Ang NFAEA ay kasalukuyang nakikipaglaban upang pigilan ang plano ng International Monetary Fund o IMF at ilang mga malalakas na grupo sa kongreso na isapribado ang National Food Authority o NFA at upang itigil ang pag-alis ng suporta ng estado para sa mga magsasaka at mga mamimili.

Si Secretary Mariano ay kasalukuyang nasa Davao upang pakinggan at tugunan ang mga hinaing at isyu ng mga magsasaka doon. Nakatakda ring magtungo ang kalihim sa lalawigan ng North Cotabato para pangunahan ang isang turn-over ceremony ng isang rubber processing plant para sa isang organisasyon ng agrarian reform beneficiary doon. (jnormt)

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/dar-sec-mariano-kaisa-ng-mga-empleyado-ng-nfaea/