Dating Milo Champion Muling Namayagpag

image

Umabot sa bilang na 33,000 ang nakatapos ng finish line sa ginanap na  40th National Milo Marathon na idinaos sa SM Mall of Asia, Pasay City nitong nakaraang July 31, 2016. Pinangunahan ng dating Five-times Milo Marathon King Eduardo “Vertek” Buenavista at 4-times  veteran MILO Marathon winner Luisa Raterta ang 42K event.

Nag-uwi ng tig- 50,000 cash price at tropeo  sina Buenavista at Raterta na maghihintay na lamang sa gaganaping National Finals sa Iloilo sa December 4, 2016 at magkaroon ng tsansa na makoronahan bilang Milo Marathon King and Queen.  Kung papalarin magkaroon din ng pagkakataon ang dalawa na  maipadala sa international marathon sa darating na 2017, na all-expense paid trips mula sa MILO bilang bahagi ng kanilang papremyo.

Nakapagtala si Buenavista sa oras na 02:45:34, kasunod si Cresenciano Sabal (02:54:20) para sa second place at Roger Denolo  sa oras na (02:54:53) para sa third place. Samantalang si Raterta ay nakapagtala naman ng oras na 03:15:00, kasunod si Jho-an Banayag na may oras na (03:17:47) at si Cinderella Lorenzo sa oras na (03:20:03) bilang second at third place, naman.

Ayon sa 37-year-old na si Buenavista, hindi niya alintana ang sakit ng kanyang binti , kung kaya nai-panalo niya ang laban ngayon. Magugunitang nahinto sa pagtakbo si Buenavista dahil sa  foot injury noong December.  “This is my first 42K race in 2016. I still feel pain in my foot, and I joined today’s race because I wanted to see if I can handle the intensity of the 42K event now,” ayon kay Buenavista. “I’m glad that I’m recovering well and hopefully I can prepare fully for the National Finals. It’s also my goal to beat my Milo Marathon record time.”

Ang anak ni Buenavista na si Eduard Josh, 15 years old, na sinanasabing nagmana sa kanyang ama, ay lumaban na rin sa 5k at naging 7th at nakapagtala ng 19:09 na oras. Ayon sa ama, sabay silang nag eensayo ng kanyang anak sa mataas na bulo-bundoking daan ng Antipolo, “ Masaya ako at inspirado na ako mismo ang nag-tetrain sa aking anak.”

Sinabi naman ng  35-year-old na si Raterta na tubong Sta. Rosa, Laguna, na isang napakalaking tulong sa kanya ang pagbalik ng dating ruta, dahil umano sa kabisado na niya ang dating daan at alam niya kung saan siya pupuwesto. Inspirasyon din umano niya ang kanyang panganay na anak na gustong sundan ang kanyang mga yapak. Madalas din umano niyang sabihin sa kanyang anak na kailangang lang ang tiwala sa sarili at gawin ang best para sa panalo.

Ayon pa kay Raterta na kailanagan niyang mag-ensayo ng husto para ma-improve ang kanyang performance at maabot ang kanyang pangarap na manguna sa buong female runners, at mapabilang sa National Finals.

Samantala, sa Men 21k naman, pinangunahan ni Immanuel Camino ang nasabing Race na nakapantala sa oras na (01: 17:40) bilang 1st place, pumangalawa bilang 2nd place si Jujet De Asis sa oras na (01:17:49). Pumangatlo bilang 3rd place si Reynold Villafranca na umabot sa oras na (01: 19:14 ). Sa women race naman, nasungkit ni Nheann Barcena ang 1st place na may oras na (01:31:46),  2nd place si Celie Rosa Jaro (01:39:12) at (01: 39: 59), at para sa 3rd place na nakuha naman ni Maricar Camacho.

Ang susunod na qualifying leg ay gaganapin sa Batangas (August 7), at Lucena (August 14), Naga (August 28), Tagbilaran (September 18), Cebu (September 25), Dumaguete (October 2), Davao (October 9), General Santos (October 16), Cagayan De Oro (October 23), at Butuan (October 30). Ang National Final say sa December 4 sa Iloilo City.(Click picture below to enlarge)

atimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/dating-milo-champion-muling-namayagpag/