De Los Santos Medical Center 4th Medical Mission for Media

image

Kasabay sa pagdiriwang ng kaarawan ni Tita Ahwel Paz, DZMM Showbiz Broadcaster/Reporter nitong nakaraang September 4, 2016, idinaos naman ang ika-apat (4) na taon o 4th Medical Mission para sa mga Media.

Ang nasabing okasyon ay ginanap mismo sa tanggapan ng De Los Santos Medical Center, A Metro Pacific Hospital, katuwang ang Oasis Dental Care at ang Ideal Vision, ito ay pinangunahan ni Tita Ahwel kasama ang President at Chief Executive Officer ng De Los Santos Medical Center na si Raul C. Pagdanganan, kasama rin ang ibang opisyal, doctors, nurses at staff ng nasabing hospital.

Ayon kay Tita ahwel, ang pagsasagawa ng Medical Mission ay minana pa niya sa kanyang mga magulang na dati umanong mahirap at naninirahan sa tabing riles ng tren 5 taon na ang nakakaraan. Ang pagtitinda umano ng pagkain ang kanilang ikinabubuhay at naging daan para sila makapag tapos ng kanilang pag aaral, kung kaya ang naiwan ng kanyang mga magulang na pag-tulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng Medical Mission ay kanyang ipinagpatuloy.

Sa ngayon katuwang na niya bilang sponsor ang De Los Santos Medical Center, na kung saan ayon sa maikling mensahe ng Presidente nito na si Pagdanganan, malapit sa kanyang puso ang mga Media, dahil sa dati rin umano siyang nagtititnda ng diyaryo partikular ang Manila Times sa kanyang kabataan.

Ang Medical Mission ay nagsimula mula ika- 6:00 ng umaga, para doon sa nais magpakuha ng FBS. Kasunod nito ang ECG, Dental, X-Ray, at ang consultation. Inabot halos ng 1:00PM ang isinagawang Medical Mission dahil sa late ng dating ng ibang Media. Kasama na rin sa nasabing Medical Mission ang libreng almusal at tanghalian. (Click picture below to enlarge)

imageimageimageimageimageimageimageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/de-los-santos-medical-center-4th-medical-mission-for-media/