DILG tumanggap ng Certificate of Special Citation mula sa SSS

 

image

Masayang nagpakuha ng larawan  (mula sa kaliwa) sina SSS Senior Vice President ng Account Management Group at Balikat ng Bayan Awards Committee Chairperson Judy Frances A. See, SSS President at Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros Jr.,  Development Manager Officer IV Joycelyn C. Cabaña, DILG Undersecretary Emily O. Padilla at SSS Assistant Vice President ng Professionals Sector Department Noel L. Coyupan. Ito’y matapos na tanggapin ng DILG ang certificate of special citation mula kay Pres. de Quiros at Vice Pres. A. See nitong nakaraang Setyembre 2, 2016. 

Ginawaran ng Social Security System (SSS) ng special citation ang Department of Interior and Local Government (DILG), bilang pagkilala sa dedikasyon na bigyan ng social protection ang halos 75,000 job order (JO) at contractual workers. Sa isinagawang Balikat ng Bayan Awards ito ay ginanap noong 59th anniversary program ng SSS sa Ramon Magsaysay Hall sa SSS main office sa Diliman, Quezon City nitong nakaraang Setyembre 2, 2016.

Sa pagtataguyod sa kagalingan sa lokal na pamamahala, nagsagawa ng memorandum of agreement (MOA) ang SSS at DILG na kakaltasin sa sahod ng mga JO at contractual workers ang kontribusyon sa SSS para makinabang sila sa mga benepisyo ng ahensya.  Dahil dito, nasisiguro ang pagsunod ng mga local government units sa naturang MOA. Nakapag-remit na ang DILG ng mahigit P240 milyon sa SSS bilang kontribusyon ng libo-libong JOs at contractual workers.

 

 

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/dilg-tumanggap-ng-certificate-of-special-citation-mula-sa-sss/