image

Kasabay sa ginanap na Science Nation Tour ng Department of Science and Technology (DOST) nitong nakaraang Octobre 5-9, 2015 sa Cordillera Administrative Region (CAR), nagsagawa naman ng Special Meeting  ang Department of Science and Technology- Cordillera Administrative Region (DOST-CAR)  kasama ang Philippine Chamber of Commerce and Industry- Cordillera Administrative Region (PCCI-CAR).

Sa nasabing meeting, inilahad ni Dr. Rhodora A. Ngolob, Presidente ng PCCI Baguio-Benguet Chapter, ang mga programa at proyekto na nais nilang mangyari sa lugar, na malugod namang sinang-ayunan ni DOST-CAR Dr. Julius Caesar V. Sicat, Regional Director, kasama ng ibang opisyal. Ipinaliwanag din ni Regional Director Sicat ang magiging sitwasyon at detalye ng nasabing kasunduan o partnership. Si Dr. Nancy A. Bantog ng ARD for TS, DOST-CAR ang nagbigay ng paliwanag hingil sa magiging Partnership at Accomplishment ng dalawang panig.

Nagbigay naman ng Encouragement mesage si DOST, Secretary Hon. Mario G. Montejo sa dalawang grupo at ipinaliwanag din nito ang mga plano at programa ng DOST sa buong Rehiyon ng Cordillera Administrative Region. Nagkaroon din ng palitan ng kuro-koro at suhestiyon sa isinagawang Forum, sa pagitan ni Sec. Montejo, DOST-CAR, PCCI-CAR, at ibang grupo na naging bisita sa nasabing pagtitipon.

Sa isinagawang  Signing of Memorandum of Understanding, ito ay pinangunahan ni DOST Secretary, MARIO G. MONTEJO; DOST- CAR JULIUS CAESAR V. SICAT Regional Director; MARCIANO L. GARCIA, Regional Governor; RHODORA A. NGOLOB, PCCI Baguio-Benguet Chapter; DOST-CAR NANCY A. BANTOG, ARD for Technical Services;  President, REX D. BALONG-ANGEY, PCCI Benguet Chapter; Executive Director TRINIDAD CAYADING-TRINIDAD, PCCI Baguio-Benguet Chapter. Ito ay ginanap sa Everything Nice Cake Shop and Café, sa Ayala Techno Hub Camp Joh Hay, Baguio City, at kasama rin dito ang ibang opisyal ng bawat partido .

image