DOST, nanguna sa ika-11 taong pagdiriwang ng Biotech Week

image

Pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagdiriwang ng ika-11 taong Anibersaryo  ng National Biotechnology Week (NBW) na pinamagatang “Angat Tayo sa Biotechnolohiya” na nagsimula nitong nakaraang Nobyembre 23 hanggang 28, 2015 sa SM City Dasmariñas, Cavite.

Layon ng taunang pagdiriwang na to na paunlarin ang kaalaman ng publiko pagdating sa  mga benepisyong naibibigay ng biotechnology sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat mamamayang Filipino. Sa taong ito ang tema ng pagdiriwng ay “Bioteknolohiya: kaagapay ng Mamamayan sa Pambansang Kaunlaran.”

Sa isinagawang programa, ginampanan ni Dr. Jocelyn E. Eusebio, Chief Science Research Specialist ng PCAARRD-DOST ang Welcome Remarks, sa Acknowledgement of Guests at Participants si Ms.Maria Elena A. Talingdan, Senior Science Research Specialist ng PCIEERD-DOST ang gumanap nito. Ang mga Panelist naman ay kinabibilangan ni na: Dr. Reynaldo V. Evora, Acting Executive Director PCAARRD-DOST; Usec. Segfredo R. Serrano Undersecretary for Policy, Planning, Research and Development and Regulations, DA; Director Maria Lourdes C. Santiago, MSC, MM, Deputy Director General for Regulatory Operation ng DOH-FDA; Dr. Antonio M. Dano, Asst. Director Ecosystems Research and Development Bureau, DENR; Dr. Maria Teresita M. Semana, SESO IV, DIR. III, Office of Planning, Research and Knowledge Management, CHED; at Dr. Divinia  C. Chavez, President, Cavite State University (CvSU). Ang naging pangunahing tagapagsalita ay si Acd. William G. Padolina, President ng NAST-DOST at ang naging EMCEE/Morerator ay si Dr. Aristotle P. Carandang, Chief Communication Resources and Production Department, STII-DOST.

Naging tampok sa nasabing okasyon ang ilan sa mga programa, na kagaya ng technology exhibit, Health at technology fora, career talk, writeshop, poster making contest at ibpa.

Ang biotek ay ang aplikasyon ng mga  Buhay na organismo na kahalintulad nito para makagawa ng mga produkto na makakatulong  sa pagpapa-unlad, pagpapabuti ng agrikultura,  health, food at nutrisyon at marami pang iba. Taon-taon ipinagdiriwang ang NBW sa huling linggo ng buwan ng Nobyembre sa bisa ng Proclamation No. 1414, 2007, na binoboo ng kagawaran ng pamahalaan bilang tagapagtaguyod ng NBW ang DOST, DoH, DA, DENR, DILG,DTI, DepEd, CHED, at Biotechnology Coalistion of the Phil. (Photo by: Jimmy Camba) (click photo below to enlarge)

imageimageimage

imageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/dost-nanguna-sa-ika-11-taong-pagdiriwang-ng-biotech-week/