image

Ang DOSTv. The Filipino Weather Channel ay nagsimula ng magbroadcast online ngayong araw Mayo 30, mula alas 11:00 hanggang alas 12:00 ng tanghali sa http://www.dostv.ph. Makikita rin ang kanyang site sa www.science.ph at www.dostv.ph/youtube.

Ipapakita sa  DOSTv ang mga latest weather updates at forecast, mga kasaysayan at nangyayari hingil sa Agham at Teknolohiya sa bansa. Itoy hihimayin ng newscaster at ng mga magiging bisita na mula sa ibat-ibang sangay ng DOST.

Sa pamamagitan ng DOSTv online, makasisiguro ang publiko na ang kanilang makukuhang balita at  impormasyon tungkol sa lagay ng panahon ay nasa tamang oras at pagkakataon.

Ang paglulungsad ng DOSTv ay isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng Science and Technology Information Institute (STII) at ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Suportado rin ang DOST ng kanilang mga ahensiya, na kasama na dito ang Philippine  Council for Industry, Energy and Emerging Technology Resarch and Develepment (PCIEERD), Philippine Council for Agriculture, Aquatic  and Natural Resources Reseach and Development (PCAARRD), Advanced Science and Technology Institute (ASTI), at ang Information and Communication Technology Office (ICTO).

Sa isinagawang soft launching, pinangunahan ni Dr. Aristotle P. Carandang , Chief, Communication Resources and Production Division, STII, bilang EMCEE/Moderator ang pag welcome sa guest at mga bisita. Kasunod nito ang welcome remarks ni Mr. Richard P. Burgos Director , STII.

Nagbigay naman ng mensahe si Dr. Rowena Cristina L. Guevara, Undersecretary for S&T Services, DOST, at kasunod naman nito ang mensahe ni Dr. Vicente D. Malano, Administrator ng PAGASA.

Habang ginaganap ang mini Presscon dumating sa nasabing okasyon ang dating DOST Asec. Reymund Liboro para magbigay din ng maikling pananalita.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina: Engr. Catalino L. Davis, Dost PAGASA; Dr. Carol M. Yorabe, DOST Undersecretary; Dr. Amelia P. Guevara, DOST Undersecretary; Lynn Talingdan  ng DOST-PCIEERD at marami pang iba na mula sa ibat-ibang sangay ng ahensiya.  (Click photo below to enlarge)           

imageimageimageimageimage