EcoWaste Coalition Nagbabala sa Pagbili ng Halloween Toys at Costume

image

Sa nalalapit na HALLOWEEN, nagbigay babala at paalala ang grupo ng EcoWaste Coalition sa publiko, na mag-ingat sa pagbili ng mga laruan at costume na pang-Halloween na posible umano itong nagtataglay ng mataas na lead content, mula 139-481 parts per million (ppm). Ito ay  maaaring magdulot ng pinsala o hazards dahil sa kawalan ng Lead Hazard Warning.

Marami umanong mga laruan na pang-halloween na walang Fire Hazard Warning, katulad ng maskarang may buhok o wig na maaring masunog. Walang Laceration Hazard Warning, na maaring mahiwa ang kamay o matusok ang balat ng bata. Karamihan sa mga laruang ito ang palakol, pana, kutsilyo, espada at iba pa na walang babala sa tamang paggamit. Mga laruan at costume na walang Choking Hazard Warning,  na may mga botones, maliliit na battery at parte na maaaring madampot at maisubo ng mga bata at mabara sa lalamunan.

Namili umano ang grupo ng coalition nitong nakaraang Octubre 15 at 16 ng halos 115 na ibat-ibang disenyo at uri ng halloween product sa Maynila, Caloocan, Pasay at Quezon City. na nagkakahalagang P12 – P130 kada piraso.

Sa mga pinamiling produkto ng grupo,  napag-alaman na sa 115 items, 35 sa mga ito ay walang anumang impormasyon na nakasaad, at 80 items na may ibat-ibang taglay na impormasyon, 1 lamang sa mga ito ang may kumpletong pagkakilanlan, na  nakasaad ang pangalan, kontak, lugar at detalye ng manufacturer o destributor, mayroon ding LTO number, product model no. halos kumpleto sa lahat ng requirements.

Sa isinagawang mini press conference nitong nakaraang Oct. 21,na ginanap sa Quezon City. Sinabi ni Thony Dizon, Coordinator of the EcoWaste Coalition’s Project Protect, “As the Halloween fad caches on in urban  neighborhoods, party and event goers, especially young children, we need to exercise precaution in choosing their costumes and toys as many of them haved not passed through the required  verification procedures by the health authorities.”

“Companies are required to apply  for licence to operate and product notification before placing toys and childcare articles (TCCA) in the market. Unfortunately, many halloween toys  bieng sold in discount  shops where many consumers go have no valid TCCA product notification,” ayon pa kay Dizon.

Ayon sa RA 9711 o ang Food and Drugs Administration Act, obligado ang mga kumpanya na gumagawa, nag-aangkat, nag-eexport, namamahagi, nagtitinda, nag-aalok, naglilipat, at nag-poromote at nag-aadvertise ng Toys and Childcare Articles (TCCA) na mag apply  at kumuha ng lisensiya para makapag-operate  at TCCA product notifications mula sa FDA.

“With the prolifiration of toys in the market , parents need to pay equal attention to both the price  and equality of the toys  they buy for their kids. As not all toys have undergone  and passed  safety tests, parents should always be on the lookout for hidden dangers in some toys, such as choking and chemical hazards, that can jeopardize the health and well-bieng  of their children,” ayon naman kay Dr. Erle Castillo, a consultant  of UP-Philippines  General Hospital on Family Medicine  and UP-College of Medicine on Emergency Medicine. (Photo by: Jimmy Camba)

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/ecowaste-coalition-nagbabala-sa-pagbili-ng-halloween-toys-at-costume/