El Niño Patuloy na Lumalakas

image_thumb6

Nagsagawa kamakailan ng Press Conference ang PAGASA hinggil sa El Niño Update and Delta Force sa isang restaurant sa Quezon City nitong nakaraang  September 30, 2015. Ito ay dinaluhan ni DOST Assistant Secretary Raymund E. Liboro, Mr. Anthony Joseph R. Lucero, OIC, CLIMPS, CAD, PAGASA-DOST, Dr. Flaviana D. Hilario, Acting Deputy Admnistrator for R&D, OIC, Administrator’s Office, PAGASA-DOST at Ms. Venus R. Valdemoro, OIC, Public Information Unit, TPIS, Research Development and Training Division na nagsilbing Emcee/Moderator.

Magsimula pa noong July, naobserbahan na lumakas ang El Nino. Ito ay dahil sa pagtaas ng Sea Surface Temperature Anomalies (SSTAs) sa Equatorial Pacific. Ang ganitong sitwasyon ay maaring tumagal hanggang sa kalagitnaan ng 2016. Tayo ay makakaranas ng mahinang paguulan sa mga unang buwan ng taon. Ito ay magiging sanhi ng tagtuyot sa maraming bahagi ng bansa. Maalinsangan ang madadama dahil sa mataas na temperatura.

Kailangang makapagplano ng precautionary measures ang mga concerned agencies at institusyon, upang mabawasan ang epekto ng kasalukuyang El Nino. Ang PAGASA ay nakaantabay para sa mga updates at advisories. Magugunitang ang naganap na El Niño noong 1997-98, at ang SSTA sa kasalukuyang El Niño ay  maaring lumagpas pa dito.

imageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/el-nio-patuloy-na-lumalakas/