Filipinas muling Host sa ika-36th ACRS

20151014_111403

Sa pangalawang pagkakataon ang Asian Association On Remote Sensing  Society (AARS), ang international organization of remote sensing  institutions na grupo sa Asia, ay muling napili ang Filipinas na maging Host sa isasagawang 36th Asean Conference on Remote Sensing (ACRS), na gaganapin sa Oktubre 19-23, 2015 sa Crowne Plaza  Galleria, Ortigas, Quezon City. Ito ay may Temang Fostering Resilient Growth in Asia.

Magsimula noong 1981, matapos mabuo itong ACRS sa Bangkok, Thailand, ito ay  nagdadaos ng Conference sa iba’t ibang bansa sa Asia, kabilang ang mga researchers, educators, at mga estudyante. Ang kanilang pilosopiya: Friendship first and money after! For Asian, and with Asian! Asian style with Asian culture!

Technical Paper Presentations, Poster Sessions, Exhibitions ng mga makabagong produkto ng Remote Sensing, Workshops, ay ang ilan sa mga aktibidades sa nalalapit na ACRS. Kasama dito ang Information Exchange and Knowledge Sharing ng 13th ISPRS Student Co1nsortium and Working Group VI/5 Summer School.

Ang mga kumpirmadong pangunahing tagapagsalita na dadalo ay sina: Hon. Mario G. Montejo, Secretary, Department of Science and Technology (DOST); Dr.Tom Veldkamp, Dean ITC Faculty of Geo-Information and Earth Observation, University of Twente(Netherlands); Mr. Shizuo Yamamoto, Vice President , Japan Aerospace Exploration Agency (Japan); Dr. Alfredo Mahar Lagmay, Executive Diector, Project Nationwide Operational Assessment  of Hazard (NOAH)(Philippines); at Dr. Josefino Comiso, Senior Research Scientist, NASA Goddard Space Flight Center(USA).

Tinatayang aabot sa 1000 participants ang lalahok sa nasabing komperensiya mula sa lokal at internasyonal na bansa.

ANG 36th Asian Conference on Remote Sensing  ay inorganisa ng Asian Association  on Remote Sensing, Katuwang ang Philippine Geosciences and Remote Sensing Society at ang Department of Science and Technology- Philippines. 1998 noong unang maganap ang ACRS sa Pilpinas. Sa nakaraang tatlong (3) taon ang ACRS ay ginanap naman sa Nay Pyi Taw, Myanmar,(2014); Bali, Indonesia (2013); at Pattaya, Thailand (2012).

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/filipinas-muling-host-sa-ika-36th-acrs/