Giit ni Zubiri: babaan ang income tax, gandahan ang serbisyo ng MRT, LRT, Tren project sa Mindanao

20160114_092638

Ang negosyante at active Vice-Chairman ng Philippine Red Cross na  si Juan  Miguel “Migs” Zubiri ay muling tatakbo sa pagka senador sa darating na eleksiyon ngayong Mayo 2016, bilang independiente at adopted candidate ng tatlong Presidential bets na sina Vice President Jojomar Binay, Senator Grace Poe at  Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Binaggit ni Zubiri ito kasama si Dr. James G. Dy bilang guest sa isinagawang “Pandesal Forum” nitong nakaraang January 14, 2016 na ginanap sa Kamuning Bakery Café since 1939 sa Quezon City.

Si Zubiri ay tubong Bukidnon, 47 yrs old, may asawa, at anak ng dating  Bukidnon Governor Jose Ma.  R. Zubiri, Jr. ng Negros Occidental at Victoria Fernandez- Zubiri ng Libon, Albay. Si Zubiri ay nagtapos ng  Agri-Business Management sa University of the Philippines Los Baños, Laguna. Nag Master siya ng  Environment and Natural Resources Management degree sa University of the Philippines, Open University.

Siya ay dating Congressman  sa 3rd District ng Bukidnon. Bilang dating senador naman, ang mga batas na siya mismo ang principal author, ay ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, the Rent Control Act, Wildlife Conservation Act, National Service Training Program at ang Armed Forces of the Philippines Rate Pay Base Increase Act. Bilang Ama ng Biofuels Act of 2006, siya ay binansagang “Mr. Ethanol”.

Nanawagan ang negosyante at environmentalist na si Zubiri sa Gobyerno na babaan ang personal income tax at corporate tax sa bansa, para umano gumanda ang ekonomiya at makahikayat ng mga foreign investor. Ipinanawagan din ni Zubiri na bigyan ng agarang aksiyon ang pagpapaganda ng mga infrastraktura kagaya ng pagsasaayos ng serbisyo at linya ng MRT at LRT 1, 2, 3, magkaroon ng bago at modernong trens sa mga probinsiya, kagaya sa Mindanao, Cebu, kabicolan na dati ng may linya ng tren at sa iba pang rural areas. Pabor din si Zubiri na maamiendahan na ang kontrobersiyal na Bagsamoro Basic Laws (BBL).

Nagbigay naman ng suhestiyon si Dr. James G. Dy, Founding Chairman ng Chinese General Hospital  and Medical Center sa kung sino man ang mapaupong bagong Pangulo ng bansa sa darating na halalan, na sana pag tuonan din ng pansin ang pagkakaroon ng subway mula Roxas Boulivard  kunektado sa ibat ibang lugar malapit sa kamaynilaan na kahalintulad umano ng subway sa Bansang Hongkong, para maibsan ang super traffic congestion sa kamaynilaan,. (Click picture below to enlarge)

20160114_11032220160114_08571120160114_11082520160114_110003

image

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/giit-ni-zubiri-babaan-ang-income-tax-gandahan-ang-serbisyo-ng-mrt-lrt-tren-project-sa-mindanao/