Hotel Sogo 2016 Thanksgiving & Media Party

image

Ang Hotel Sogo na kinikilala na sa ngayon bilang 2.5-Star Hotel na may pinakamaraming branches sa bansa, na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 34 branches ang bilang nationwide, nagsagawa ng Thanksgiving Party para sa mga Media nitong nakaraang  April 22, 2016 na ginanap  sa SKY BAR Grill & Restaurant  sa 9th floor ng D&G Building Quezon Avenue Cor.  Roces Avenue, Quezon City.

Layunin nito na sa pamamagitan ng Media ay mailathala sa dyaryo, marinig sa radio, makita  sa telebisyon at mabasa sa website ang kanilang GO! GO! Sogo promo na mahikayat ang grupo, barkada, couples, maging ang isang pamilya, na magrelax,  magbonding, magkaroon ng group study o ano pa mang selebrasyon na maaring gawin sa nasabing hotel.

Ayon kay Sue Geminiano, Hotel Sogo, Marketing Manager, ang Hotel Sogo ay may affordable rates. Mayroong free Wi-Fi access, cable TV with in house movie channel, digital music system, at  24 oras ang food at beverage service. Ang Hotel Sogo ay accesible, mataas ang kalidad at affordable ang serbisyo, courteous, mayroong well-trained employees, dahil sa kanilang tuloy-tuloy na pag-aaral sa House of Hospitality Training school sa Hotel Management Institute of the Philippines.

“In our  series of recent  TV and radio commercials, we let our costumers know that Hotel Sogo is for EVERYBODY, for all occasions, and for all walks of life” ayon pa kay Sue.

Mayroong limang klaseng rooms na ino-offer ang Hotel Sogo na may magagandang kagamitan na maaring pagpilian: Ito ang Regency, Executive, Deluxe, Premium at Econo Rooms. Ang lahat ng kuarto ay may kanya-kanyang TV sets, Telephone, Toilet & bath, Dinnettes, Dressers, at  Bedside Controls for the lights, audio/video and air-conditioning systems.

Bukod sa pagbibigay ng Hotel Sogo ng mababang singil at magandang serbisyo sa mga customers, meron din silang libreng serbisyong medical/consultation at medication sa mga mahihirap nating kababayan sa bansa, sa pamamagitan ng Doctors on Wheels (DOW) Program. Ang DOW ay isang mobile medical bus equipped and furnished na may 4 na examining beds, 10 examining chairs, medical/examination lights at iba pang kagamitan gamit sa medical missions sa buong kapuluan. Ang DOW ay may mga volunteer Doctors, nurses, social workers, pharmacists, staff at Hotel Sogo Personnel. Nagsimula ang DOW nitong nakaraang  2015 na kung saan sa ngayon umaabot na sa 3,000 mahihirap na residente sa bansa ang nabiyayaan ng nasabing programa.

Sa darating na Mayo, ang hotel Sogo ay maglulunsad naman ng kauna-unahang  Digital Film Contest para sa mga amateur at professional film makers sa bansa, Layunin nito na matulungan ang bawat individual na madevelop ang kanilang galing, imahinasyon, at creativity sa pamamagitan ng Digital Film. Tatlong entries ang pipiliin na mananalo ng P50,000 para sa 3rd prize, P70,000 sa 2nd prize at P100,000 naman para sa 1st prize.  Ang Mechanics at Guidelines ay ipapalabas ngayong Mayo para sa mga interesadong film maker.

Para sa kabuoang detalye ng Sogo Hotel at ng events at promo, mag log on sa hotelsogo.com o kaya i-like/follow sa Facebook (facebook.com/hotelsogo)Twitter(#hotelsogo)at Instagram (@hotelsogo).(Photo by: Jimmy Camba)(Click photo below to enlarge)  

imageimageimageimageimageimage

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/hotel-sogo-2016-thanksgiving-media-party/