Huling Sabado na sa Setyembre 24 para sa pag-apply sa SSS-LRP

Ipinahayag ng Social Security System (SSS), na sa sabado na Setyembre 24, 2016 ang huling araw na magbubukas ang 112 lokal na opisina at 14 foreign representative offices ng SSS, para sa pagtanggap ng application sa Loan Restructuring Program (LRP) na may kasamang condonation. Bukas ang mga opisina ng SSS mula 8am hanggang 5pm.

Sa LRP ay mas magaan ang pagbabayad, at tatanggalin ang multa ng utang kapag nabayaran na ng buo ang principal at interest ng loan.Lahat ng mga miyembrong may hindi nabayarang utang nang mahigit sa anim na buwan tulad ng salary loan, calamity loan, at iba pang uri ng SSS short-term member loan ay maaaring makinabang sa LRP. Bukas ito sa lahat ng miyembrong nakatira o nagta-trabaho sa lugar na sinalanta ng kalamidad batay sa deklarasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) o national government.

Dalawa lamang ang dokumentong kailangan para mag-apply sa LRP – ang LRP application form at affidavit of residency – na maaaring idownload sa SSS website (www.sss.gov.ph) o sa mga opisina ng SSS. Hanggang Abril 27, 2017 ipapatupad ng SSS ang LRP.

Para sa kumpletong listahan ng mga opisina ng SSS na bukas tuwing Sabado, bisitahin ang SSS website sa www.sss.gov.ph o tumawag sa SSS Call Center sa mga numerong 920-6446 hanggang 55.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/huling-sabado-na-sa-setyembre-24-para-sa-pag-apply-sa-sss-lrp/