20150625_103728 (1)

HINDI man lubos na masolusyunan ang lumalalang problema sa transportasyon, maari naman nitong mabawasan ang tumitinding siksikan at agawan sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa kalakhang Maynila.

Ito ay matapos na ilunsad ng Department of Science and Technology (DOST), sa Clark Freeport Parade Ground  sa Pampanga nitong June 25, 2015 ang Bagong Hybrid  Electric Road Train, na dinisenyo at ginawa ng mga Filipino Engineers mula sa DOST’s Metals Industry Research and Development Center, sa ilalim ng Makibayan o Makina at Teknolohiya Para sa Bayan Program.

Ang Hybrid Road Train ay may kapasidad na magsakay hanggang 240 na pasahero sa 4 na bagon, at may bilis na 50 kph ang kanyang takbo. Pwede gumana sa diesel fuel o electric batteries. Ang huling bagon ay ang kinalalagyan ng makina, na siyang nagpapatakbo sa buong transportasyon na may powered hybrid engine.

Ayon kay DOST Secretary Mario G. Montejo, sa dami ng maisasakay ng hybrid road train, maari umanong makabawas sa malaking volume ng pasahero partikular sa rush hour. At hindi umano ito masyadong makapag dudulot ng air pollution sa environment, dahil sa ito ay maliit lamang ang smoke emmission kumpara sa mga truck, bus, jeep at iba pang sasakyan.

Ang paglulunsad ng Hybrid Electric Road Train ay bahagi umano na preparasyon sa nalalapit na DOST’s 2015 National Science and Technology Week, na gaganapin mula July 24-28, 2015 sa SMX Convention Center, MOA Complex, Pasay City.

20150625_10312520150625_101905   20150625_09505820150625_09401420150625_09315120150625_09243320150625_09021920150625_08520120150625_082155